Friday , November 15 2024

Jerry Teves at Manny Santos mga hari ng ukay-ukay sa bakuran ni Comm. Sevilla

00 rex target logoWALA pa rin galaw si Commissioner Sunny Sevilla (baka ma-stroke) ng Bureau of Customs (BOC) kahit pa nga mamaho na ang halos buong Metro Manila at ilang probinsiya sa dami ng ukay-ukay na pinalulusot diyan sa kanyang bakuran.

Mistulang mga basura ng ibang bansa na sa Pilipinas itinatapon ngunit ang peligrong dala ng mga basurang ito ay hindi alintana ng mga kupal na sina GERRY TEVES at MONEY aka MANNY SANTOS.

Posible kasing kontaminado ng iba’t ibang klaseng virus ang mga ukay-ukay na ibinebenta sa merkado ng wholesale basis na ipinapasa naman sa mamimili nang per piraso.

Sa alikabok pa lamang at sa bantot ng amoy ng mga basurang damit ay tiyak na may dala itong malaking peligro sa kalusugan ng mga Pinoy.

Pero sa kabila nito, walang keber si Commissioner Sevilla sampu ng mga kapwa niya bugok na Customs officials.

Ang masakit pa rito, bukod sa naglalakihang suweldo ng mga inutil na BOC officials, kumikita pa ang mga ulol sa smuggling spree na nakapangyayari ngayon diyan sa Aduana.

Parang kanya-kanyang ipon na ng baon ang mga kumag na opisyal sakaling mapuna ito ni PNoy at ng Malacañang na hanggang ngayon ay tuliro pa sa hangover ng Mamasapano incident.

Tutal naman umano, malapit nang matapos ang termino ni Pangulong Aquino kasabay ng kanilang maliligayang araw, kaya might as well, humataw na nang todo sa pangdodorobo diyan sa BOC.

Ang nakagugulat, mukhang full blast na sa Customs ang smuggling dahil dito na rin marahil kukunin ang malaking bulto ng campaign funds ng Li-beral Party (LP) na sadyang kakailanganin ang sandamakmak na kuwarta para gamitin sa 2016 elections.

Kuwarta umano ang magsisilbing pabango ng mga miyembro ng Libe-ral Party na nangangalingasaw na sa baho dahil sa nangyaring kapalpakan sa pagkamatay ng SAF 44 sa Maguindanao.

Pero mahaba-ging langit naman po, not at the expense ng kaawa-awang nating mga kababayan na tiyak na malalagay sa malaking kompromiso ang kanilang kalusugan sa walang patumanggang pagpapasok ng mga basurang ukay-ukay nina GERRY TEVES at MANNY SANTOS.

Comm. Sevilla sir at DOF Sec. Cesar Purisima, nasaan na ang inyong konsensiya?

Naroroon na tayo na sadyang mahirap tanggihan ang kinang ng salapi, pero sana, magkaroon naman kayo ng kabusugan.

Moderate your greed mga bossing!

“Wag n’yo nang patulan ‘yang mga ukay-ukay na posibleng pagmulan pa ng matinding salot sa ating pamayanan.

Kakarampot lang naman ang probecho n’yo riyan mga sir, tablahin n’yo na please ang mga kupal na sina GERRY TEVES at MANNY SANTOS.

Jueteng ni Luding may bantay pang mga pulis!

Grabe pala talaga ang ka-astig sa mga opis-yal ng PNP Police Regional Office Cordillera ang hinayupak na si LUDING BONGALING, ang promotor ng opisyo ng jueteng sa Baguio City at sa buong BENGUET  PROVINCE.

Kung gaano kakupal ang nasabing gambling lord, ganoon din kakupal ang mga opisyal ng pu-lisya na PALAMON ni LUDING.

Garapal ang pagbibigay-proteksyon ng PNP dahil pulis mismo ang nagsisilbing security guards ng ‘bolahan’ ng pa-jueteng ng tarantadong ilegalista.

Isa namang alyas WILLY TARANTADO este ASINTADO ang in-charged sa mga patong na media rito sa Metro Manila.

Centralized ang pagkakaloob ng ‘intelihensiya’ na dumaraan sa pindehong si WILLY para sa mga publisher at kolumnista ng mga tabloid na pahayagan. Nakukuhang tapalan ng kuwarta ni LUDING BONGALING maging ang mga publisher, ed – chief, kolumnista at reporter.

Naikumpromiso ang dignidad ng kanilang pro-pesyon at pagkatao sa kakaunting barya.

Nakahihiya at nakaaawa ang nagiging kalalagayan ng mga miyembro ng media sa sistemang ito

Akala kasi natin dati ay pawang nasa hanay lamang ng corrupt na pulis ang pagiging talamak na masiba at matakaw sa kuwarta.

Ayon ito sa mag-among supot na si KUPAL LUDING BONGALING at PINDEHONG WILLY TARANTADO este…ASINTADO.

Hindi na rin nalalayo ang kalidad ng mga lokal na politiko ng lugar partikular na si Baguio City Mayor Mauricio Domogan at Gov. Nestor Fongwan na  hindi lamang natin  malaman kung kamag-anak o malapit na kaibigan ng bugok na si LUDING. Kung hindi kasi ito close sa abogadong alkalde, at Gov. Fongwan  bakit may ilang panahon na ring namamayagpag ang pa-jueteng ni LUDING BONGALING kaladkad ang pangalan ni Mayor Domagan at Gov. Fongwan. Totoo nga rin bang campaign fund donor nina Gov at Yorme ang jueteng lord ng Baguio at Benguet?

May kasunod… ABANGAN

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *