Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sekyu patay, 1 pa sugatan sa holdap sa Agora market

san juan agora marketBINAWIAN ng buhay ang isang security guard habang sugatan ang isang babaeng kolektor makaraan holdapin sa Agora Public Market sa San Juan kahapon.

Naganap ang insidente sa basement ng palengke dakong 9:30 a.m. habang nangongolekta ng pera sa mga tindahan si Rosalyn Lopez, 25, kasama ang escort at guwardyang si Florante Sepeda, 31-anyos. 

Ayon sa mga testigo, bigla na lamang nilapitan ng suspek ang mga biktima sabay deklara ng holdap at sila ay binaril.

Inagaw ng suspek ang bag na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga saka lumabas ng palengke at tumakas sakay ng motorsiklong minamaneho ng naghihintay na kasabwat.

Ayon kay Sr. Supt. Ariel Arcinas, hepe ng San Juan Police, dakong 10:30 a.m. nang idineklara ng mga doktor ng San Juan Medical Center na binawian ng buhay ang sekyu na nabaril ng kalibre .45 sa tiyan.

Habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang kolektor na nabatid na tauhan ng Bellagio Holdings.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …