Monday , December 23 2024

P.3-M equipments natangay ng kawatan sa 2 paaralan

Police Line do not crossLA UNION – Palaisipan sa mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pangnanakaw sa Corro-oy National High School sa Brgy. Corro-oy, bayan ng Santol, La Union, at sa Nalvo Norte Elementary School sa bayan ng Luna, ng nasabi ring lalawigan.

Una rito, aabot sa P280,000 halaga ng computer items na kinabibilangan ng 16 CPU (central processing units), 15 monitor at tatlong speaker ang tinangay mula sa computer room at principal’s office ng Corro-oy National High School.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinira ng hindi nakikilalang mga salarin ang metal window grill at pitong jalousy ng nasabing silid na ginawa nilang entry at exit point.

Samantala, nilooban din ng hindi nakikilalang mga suspek ang H.E. room ng Nalvo Norte Elementary School sa bayan ng Luna, La Union.

Aabot sa P6,300 cash na nakalagay sa plastic container ang tinangay mula sa stock room.

Patuloy na sinisiyasat ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang insidente ng pagnanakaw sa dalawang paaralan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *