Saturday , November 23 2024

Korupsyon laganap sa bakuran ni Sevilla

00 Palipad hangin Arnold ataderoTULOY pa rin ang paikot ng mga corrupt personnel  mismo sa bakuran ni Commissioner John Sevilla sa kabila ng pagbalasa ng mga opisina at pagtapon sa Customs  Policy and Research  Office (CPRO), isang ‘dead office’ na ginawang “dumping ground” ang career collectors at ibang mga opisyal.

Ilang dito ay walang humpay na pagpapapasok ng ukay-ukay (halos araw-araw dumarami ang ukay-ukay store), ng mga IPR (intellectual property rights) items, iyong mga peke or imitation na hindi mapigil-pigil, ang mga palusot ng mga personnel ng Informal Entry units ng MICP, Batangas Port at Port of Manila tulad ng pag-under value ng goods sa halaga lang na US$500 o kaya ay 300  kilos. Puwera pa rito iyong mga palusot sa X-Ray Inspection Project (XIP).

Hindi pa kasama rito iyong outright smuggling sa ibang lugar sa Mindanao at Bisaya, maging ang technical smuggling (MISDECLARATION AT UNDERVALUE). No wonder mismong si President Pinoy ang nagsabi noon na aabot sa P200-bilyon ang mga revenue na ninanakaw sa customs kada taon.

Hindi naman kasi uubra ang mga ala-diktador na pamamalakad ni Sevilla. Sa unang  salvo, marahil matatakot sila. Pero kapag nahimashimasan balik sa dating gawing korupsyon. Tanggap dito, tanggap doon ng kickback.

Kasi ang bulok na sistema ng operations hindi naman nawawala. Nandiyan pa rin. Ito ay sinasamantala ng mga corrupt na personnel kasabwat ng mga smuggler. “Easy does it,” ‘ika nga.

Diyan sa Informal Entry units sa MICP at POM, iyon halimbawang item na worth US$4,000  ay pinalalabas lang na US$1,000 at iyong 300 kilo na limit sa Informal Entry kayang-kaya na bastusin. May regulation sa Bureau na kapag US$500 lang ang value ng goods puwede itong ipadaan sa Informal Entry nang walang accreditation na iniisyu sa mga consignee/importer, gayon din ang nagpaparating ng item na 300 kilos.

Kaya lumalabas na dumaraming masyado ang mga suki (client) ng Informal Entry na walang accreditation. Ang laki ng tinatabo ng mga taga-Informal Entry, pero ang kanilang nakukurakot pinaghahatian.

Ang mga smuggled na imitation ng “name it, you have it”  goods, sang-ayon mismo sa statistics umabot sa P13-billion plus ang nahuli noong 2013 ng iba’t ibang anti-piracy task force. Gaano naman kaya ang nakalusot, mas mahigit marahil. Wake up IPR (intellectual property rights) personnel. Hindi rin natin masasabi na aboveboard lahat ang mga dumaraan sa X-ray Inspection Office. Ito ay may history nang corruption noong mga nakaraang administration. Kahit tunay na mga oil import, pinalalabas na grasa na halos walang taripa. Ito ay nagdaan sa XIP.

Kaya gisingin mo Commissioner Sevilla ang mga nagtutulog-tulugang personnel ninyo. They run rings around you. Balita naming may isang close aide (abogado raw) na inyong pinatalsik dahil kuno hindi na matiis ang mga temptasyon. Nag-ala Eva si lawyer (?) kinagat ang offer ni Adan. (ACA)

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *