Sunday , December 22 2024

Kelot nahati sa tren (Nag-antanda ng krus saka tumalon sa riles)

040814 PNR train dead

NAHATI ang katawan ng isang lalaki makaraan magpasagasa sa rumaragasang tren sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang hindi pa nakikilala ay tinatayang may edad 30 hanggang 35-anyos, at nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Sa ulat ni Supt. Jose Villanueva, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 6 p.m. nang naganap ang insidente sa riles ng tren na sakop ng Yuseco St., Tondo.

Nabatid kay Eric Zaragoza, 35, crossing keeper, kasalukuyan siyang nagmamando ng trapiko sa nasabing lugar nang mapansin niya ang biktimang nakatayo malapit sa riles.

Pagdating ng tren mula Alabang ay nag-‘sign of the cross’ ang biktima saka tumalon sa riles na naging dahilan upang siya’y masagasaan siya mahati ang katawan.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *