Friday , November 15 2024

BBL at MILF pinalagan

00 firing line robert roqueMAY mga nagmama-dali man na makapasa sa Senado at Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL) ay daraan pa rin sa ma-tinding pagbubusisi bago maisabatas.

Binigyang-diin ni Senator Chiz Escudero na kailangan daw linisin ng mga mambabatas ang gulo na nilikha ng mga negosyador ng gobyerno, nang maging mapagbigay sa mga kahilingan ng mga kausap mula sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang habol ng MILF ay makapagtatag ng sa-rili nilang gobyerno sa Mindanao, na papalit sa umiiral na Autonomous Region in Muslim Min-danao (ARMM). Maraming kondisyones silang itinakda upang magkaroon umano ng pangmatagalang kapayapaan sa lugar.

Ang problema ay hindi na umaayon sa Kons-titusyon ang ilan sa mga ito tulad ng pagkakaroon ng sariling Commission on Elections, Commission on Audit, Ombudsman at Civil Service Commission.

Ang bawat Pilipino ay dapat sumunod sa batas na naaayon sa ating Konstitusyon. Hindi pinapayagan ang sino man na bumuo ng sariling estado, kahit na maliit pa ito, at magtakda ng sariling mga batas na hindi nasasakop ng Kons-titusyon.

Dapat daw nilinaw ng government peace panel ang mga limitasyon sa kanilang negosas-yon. Ito ang reaksyon ni Escudero nang magpahayag si Mohagher Iqbal, punong negosyador ng MILF, na ipasa ng mga mambabatas ang BBL nang walang rebisyon.

Batay sa isang liham ng MILF sa House of Representatives noong Disyembre ay lumalabas na inakala nila na buong gobyerno ng Pilipinas ang kanilang kausap sa negosasyon, dahil nasa kapangyarihan daw ng Pangulo na pag-isahin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Hindi raw makapapayag ang ating mga mambabatas na aprubahan ang BBL nang hindi ito sinasala. Hindi raw sila nagdidikta kundi nagsasabatas bilang pagtupad sa kanilang tungkulin, paglilinaw ni Escudero. Kung may nagdidikta man sa usapan, ang MILF umano ang gumagawa nito.

Pero ang malaking tinik sa BBL ay nang kuwestyonin ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang awtoridad ng MILF na magsilbing kinatawan ng mamamayang Bangsamoro, kahit may ibang rebeldeng grupo gaya ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Aling grupo raw ba ang puwedeng magsabi na kinatawan ng buong Bangsamoro o mga Muslim na Pilipino sa bansa? Ang unang mangyayari kapag naipasa ang BBL ay pagkakaroon umano ng bakbakan sa pagitan ng mga nagpapakilalang pinuno ng kanya-kanyang grupo.

Paano nga naman matitiyak ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao kung mauuwi rin sa gulo ang pagsasabatas ng BBL, dahil hindi naman hawak ng MILF ang lahat ng rebeldeng grupo sa lugar?

Kinuwestyon din ni Santiago kung nasaan ang awtoridad ng Pangulo at ng MILF para maki-pagnegosasyon sa paglikha ng isang substate? Sa pagmamadali ay nakaligtaan ng magagaling nating opisyal ng gobyerno ang katotohanan na kailangang idaan muna ito sa mga mambabatas.

Makapasa man o hindi sa Kongreso ang BBL ay sa Korte Suprema ito hahantong. Pero ang punto ni Santiago ay nakaligtaan daw ng lahat kung may awtoridad ang mga nagsagawa ng negosasyon at kung mayroon, ano ang batayan nito sa Konstitusyon?

Ang treaty nga raw ay hindi lulusot kung hindi sasang-ayon ang mga mambabatas, sa isang substate pa kaya? Simpleng-simple pero napakahalaga ng tinumbok ng matapang nating senadora.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *