Sunday , December 22 2024

Smartmatic ‘cheating machines’ ikinakasa sa ‘16 polls (Pro-admin solons protektor – C3E)

030915 FRONTKOMBINSIDO ang isang election watchdog na ikinakasa na ng pro-adminsitration lawmakers ang mekanismo upang masiguro ang pagkapanalo ng presidential bet ni Pangulong Aquino para sa 2016 polls gamit ang patuloy na serbisyo ng Smartmatic para sa darating na halalan.

Ito rin marahil ang mabigat na dahilan kung bakit ang mga pangunahing lider ng mga mambabatas na kampi sa administrasyon ay mistulang bulag sa kapalpakan ng mga Precinct Optical Scan Machines (PCOS) ng Venezuelan company na ginamit sa mga nakaraang national at local elections, ayon sa watchdog group na Citizens for Clean and Credible Election (C3E).

 “What we are trying to understand is why some leaders of Congress had apparently turned defenders and apologists for Smartmatic,” sabi ni C3E co-convenor Nicanor Elman, kasabay ng pagsasabing “If ever elections push through, the Smartmatic cheating machine seems part of the grand equation for the administration.”

Sinabi ni Elman na partikular na ikinagalit ng kanilang grupo ang pagsopla ng mga kongresista mula sa Liberal Party sa desisyon ng Bids and Awards Committee ng Commission on Elections noong nakaraang linggo na nag-disqualify sa Venezuelan Company at iba pang bidder para sa karagdagang counting machines dahil sa pagsusumite ng unresponsive bids.

Aniya, bagama’t magdudulot ng pagkaantala sa paghahanda sa 2016 elections ang desisyon,  sumobra naman ang mga mambabatas sa pagtatanggol sa Smartmatic.

“Over stretching legislative undertones, they obviously sounded more like lawyers and defenders of Smartmatic,” sabi ni Elman.

Aniya tinatanggihang makita ng administration congressmen ang kabiguan ng Comelec na matukoy ang mas matibay at solidong grounds na hindi isama ang Venezuelan company sa bidding.

Diniskwalipika ang Smartmatic ng Comelec BAC dahil sa pagsusumite ng bid na walang price indication sa ilang items. Ang kapwa bidder na Indra Sistema ay diniskwalipika rin dahil sa paghahain ng bid na mas mataas sa inaprubahang budget para sa kontrata.

Sa panig ni C3E co-convenor Alain Pascua, sinabi niya, “Glaring is the hairline ground for which Smartmatic was disqualified even on the face of its blatant violations and more compelling grounds of ineligibility.”

“Smartmatic should have been disqualified much earlier when the bidding process started, and for even more glaring offenses,” dagdag ni Pascual.

Inihayag ni Elman na ilang congressmen ang nagbunyag ng kanilang pagiging “bias” sa Smartmatic at nagpakita ng kuwestiyonableng motibo sa pagtiyak sa malinis at tapat na halalan.

“There have been plenty of issues raised against Smartmatic, even as far back as 2009. We wonder why not one among these members of the Congress have come out and asked questions about Smartmatic’s numerous acts of omission and misrepresentation,” sabi ni Elman.

Hinamon niya ang mga congressmen-defenders ng debate sa mga isyu laban sa Smartmatic.

“Since they have come forward in defense of Smartmatic, we challenge them to publicly debate over the merits of Smartmatic. We are convinced that Smartmatic should not be allowed to participate any longer and cause further damage to our electoral system,” ayon kay Elman.

Kamakailan lamang ay hiniling ng Integrated Bar of the Philippines sa Korte Suprema na  ipawalang bisa ang P268-million refurbishment contract na ini-award ng Comelec sa Smartmatic nang walang public bidding. Naka-pending din sa Kataas-taasang Hukuman ang magkahiwalay na petisyon ng C3E at AES Watch para ipa-blacklist ang Venezuelan technology reseller, at baliktarin ang desisyon ng Comelec sa pag-award ng diagnostic contract sa Smartmatic.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *