Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 BIFF fighters patay sa militar

BIFFAPAT pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa magkasunod na opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Shariff Saydona, Maguindanao simula nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Lt. Col Willy Manalang, Commanding Officer ng Marine Battalion Landing Team 8, dakong 10 p.m. nang makasagupa nila ang grupo ng teroristang si Basit Usman sa Pusao Village.

Linggo ng umaga, muling nakaharap ng tropa ng gobyerno ang BIFF, ilang kilometro mula sa naunang encounter site sa gitna ng kanilang pagtugis sa mga rebelde.

Isa sa apat na napatay na rebelde ang nakasuot ng uniporme ng PNP Special Action Force (SAF).

Naniniwala si Manalang na sangkot ang naturang BIFF fighters sa operasyong ikinamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Narekober din sa encounter site ang tatlong matataas na kalibre ng baril at isang mortar.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …