Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 anak ini-hostage ng ama (Dahil sa selos)

Police Line do not crossGENERAL SANTOS CITY – Nasagip ng pulisya ang tatlong bata makaraan i-hostage ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay sa Tindalu St. Balite, Brgy. Lagao sa lungsod na ito kahapon.

Kinilala ang suspek na si Benito Marfori Cruz, 47-anyos, isang fishcar driver.

Nangyari ang hostage-taking incident nang mag-away ang suspek at kinakasama niyang si Alma Cabanlit Lim.

Nagcheck-in sa isang lodge ang mag-live-in partner at nag-away na nagresulta sa pambubugbog ng suspek nang may nabasa na hindi maganda sa cellphone ng kinakasama.

Iniwan ng babae sa lodge ang suspek at humingi ng tulong sa isang kaibigan.

Dumulog kahapon ng madaling araw si Alma sa Lagao PNP at nang magresponde ang mga pulis, nadatnan na ini-hostage ng suspek ang mga anak na may gulang na 2, 9 at 14-anyos na sugatan ang leeg.

Ang 14-anyos dalagita ay anak ni Alma sa dati niyang kinakasama.

Tumagal ng ilang mga oras ang negosasyon bago sumuko sa mga awtoridad ang suspek at nailigtas ang tatlong bata nang nakombinsi ng malapit na kaibigan na si Edwin Batallier.

Nananatiling nasa kustodiya ng Lagao PNP ang suspek habang ginagamot ang sugat ng 14-anyos biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …