Monday , December 23 2024

2 turista patay, 6 sugatan sa sumalpok na van

072414 road traffic accidentDAGUPAN CITY – Humantong sa trahedya ang masaya sanang pamamasyal ng mga turista mula sa Quezon City sa Hundred Islands National Park sa Alaminos City sa Pangasinan nang mamatay ang dalawa sa kanilang kasamahan makaraan sumalpok ang kanilang sinasakyang van sa bayan ng Mangatarem.

Ayon kay Chief Inspector Rex Infante, hepe ng Mangatarem Police Station, namatay sina Dennis Espejo at Angelita Montes habang sugatan sina Jovelyn Macatunggay, Vanessa G. Abus, Renato P. Abus, Philip Eric Ilagan, Dave Capistrano, pawang nasa hustong gulang, at RV Peter G. Abus, 4-anyos, mga residente ng Quezon City.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sinalpok ng van sakay ang mga biktima, ang likurang bahagi ng sinusundan nilang mini-bus galing sa Tarlac City patungo sa Dagupan City.

Sinasabing posibleng nakatulog ang driver ng van lulan ang mga pasahero, dulot nang mahabang biyahe.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *