Sunday , December 22 2024

PCJ nababahala sa pandarahas sa Bulacan (Dahil sa recall election)

recall election bulacanNAALARMA ang Philippine Crusader for Justice (PCJ) dahil sa patuloy na pagkilos ng nakaupong gobernador ng Bulacan para pigilang matuloy ang recall election na nadesisyonan na ng Commission on Elections (COMELEC). 

Ayon kay Joe Villanueva, convenor ng PCJ, isang grupong nagsusulong ng hustisya, nakababahala ang umano’y paggamit ng Lingkod Lingap sa Nayon (LNN) at mga barangay health workers para pagbantaan ang mga residenteng benepisyaryo ng conditional cash transfer program na ititigil ang pagtanggap ng ayuda kung hindi babawiin ang pagpirma sa recall petition. 

Sa press release ng grupo, hinamon ni Villanueva si Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na tanggapin ang  desisyon ng Comelec at harapin ang 319,707 registered voters at lehitimong residente ng lalawigan na pumirma sa petisyon.

Samantala, nagtataka ang grupong PCJ kung anong basehan ng inilabas na temporary restraining order (TRO) ni Malolos City RTC Branch 83 Judge Guillermo Agloro kahapon na pansamantalang pumipigil sa pag-usad ng proseso ng comelec para sa gaganaping recall election. 

Giit ni Villanueva “lutong Macau” at malinaw na pagbalewala ito sa inilabas na desisyon ng Supreme Court noong February 16, na nagbabasura sa kahalintulad na petisyon na inihain ng kampo ni Governor Sy-Alvarado. 

Dahil dito umaasa ang PCJ at mga residente ng Bulacan na makakakuha sila ng hustisya sa pag-upo ng bagong provincial election supervisor sa katauhan ni Atty. Jervie Cortez na hindi ipatutupad ang TRO sa darating na araw ng Lunes. (BS)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *