Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P10 flag down rollback iaapela ng taxi drivers

taxiIAAPELA ng isang grupo ng mga tsuper ang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ng P10 ang flag down rate sa mga taxi sa buong bansa.

Sinabi ni Drivers Unite for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER) President Fermin Octobre, bagama’t hindi masyadong umaaray ang mga taxi driver sa Metro Manila, maraming tsuper sa mga lalawigan ang umaalma rito dahil mas mahal ang presyo ng gasolina roon.

“Kahapon nag-panic ‘yung grupo namin sa bawat probinsya, tumawag sakin, bakit daw nasama sila roon sa less P10,” kuwentro ni Octobre. “Kawawa sila roon, mataas ang diperensya ng gasolina at diesel doon, nasa P6 ang agwat.”

Kung sa Metro Manila, naglalaro sa P42 ang kada litro ng gasolina, nasa P46 ang halaga sa Visayas at mas mataas pa sa Mindanao.

Dagdag ni Octobre, hindi nalalayo ang halaga ng boundary sa Metro Manila at sa mga lalawigan na naglalaro sa P1,600 hanggang P1,900.

Kinuwestyon ng DUMPER ang timing ng anunsiyo ng LTFRB nitong Biyernes at agad pagpapatupad ng rollback sa Lunes, dahil wala silang panahon para umapela.

“Paglabas nila ng desisyon e Sabado na, wala na kami magawa… Para bang, ‘pag nahuli ka ng Friday, Lunes ka na makalabas,” ani Octobre bagama’t pinag-uusapan aniya ng kanilang hanay na maghain pa rin ng mosyon sa Lunes.

Umaapela na rin ang DUMPER sa Department of Energy (DoE) na suriin ang malaking agwat ng presyo ng petrolyo sa mga lalawigan. 

Una na ring ikinagulat ng grupo ng taxi operators ang naturang kautusan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …