Saturday , November 23 2024

NBI Deputy Director Edward Villarta, one of a kind

00 parehas jimmyIsa sa mga hinahangaan ng marami sa National Bureau of Investigation na opisyal ay si Atty. Ed Villarta ng Deputy Director ng Regional Ope-ration Services dahil na rin sa kanyang galing, kasipagan, palakaibigan at pagiging isang low profile at hindi nagmamalaki sa kanyang nara-ting sa buhay.

Kaya naman bilib sa kanya ang karamihan dahil sa serbisyo publiko na gingawa niya hindi lang sa NBI pati na rin sa pagiging matulungin sa mga nangangailangan.

Dahil sa kanyang pagsisikap ay narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon at sa kanyang magagandang accomplishment ay nagawa ni-yang maging isa sa Deputy Director ng premiere investigating body ng pamahalaan.

Siya ay nagtapos ng abogasya noong 1977 sa Far Eastern University. Dahil na rin sa sipag at tiyaga at pagpupursigi ay nakapasa sa bar exam na ibinigay noong 1978.

Dahil sa kanyang mababang loob o kumbaga humbleness at pagiging malapit sa Panginoon ay ginabayan siya at binigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa ating bansa at sunod-sunod ang kanyang nakamit na tagumpay sa buhay. Nagserbisyo siya bilang Regional Director sa mahigit 12 taon at siya ay 34 years nang nagtatrabaho sa gobyerno.

Kaya naman dahil sa pagseserbisyo nang tapat sa bayan iginawad sa kanya ang Outstanding Case Award for the investigation of the death of Trinidad Arteche-Etong, asawa ni broadcaster Ted Failon.

Dahil sa award na iyon ay lalo pa niyang pinagbuti ang kanyang trabaho at siya ay pinagkakatiwalaan sa mga sensitibong kaso at kanyang pinaghusay ang pag-iimbestiga upang maresolba ito.

Kaya naman noong 2012 ay ibinigay sa kanya ang Honorable and Outstanding Patriotic Exemplary Award for Personnel-Regional dahil sa pagresolba niya sa mga high-profile cases gaya ng arrest of Asha Atieno, pagkakadakip sa Kenyan national na may dalang tatlong kilo ng shabu; pagkakaaresto kay Bella Ruby Erediano sa kasong kidnapping at homicide at sa aktibong pakikilahok sa imbestigasyon ng Maguindanao Massacre.

Dahil sa kanyang mga accomplishment ay ipinagkatiwala sa kanya ng Pangulo ang isa sa mga sensitibong posisyong sa National Bureau of Investigation bilang Deputy Director for Regional Operation Services.

Ang kanilang iniimbestigahan ngayon ay Mamasapano clash kung saan namatay ang marami nating Special Action Force commandos at kasama niya lagi ang kanyang magagaling at magigiting na superior na si SOJ Leila De Lima at NBI Director Atty. Virgilio Mendez na wala man lang makikitang kapaguran sa kanyang aura.

Kasama rin ng cybercrime Division sa pa-mumuno ni head agent Ronald Aguto sa pag-iimbestiga at kaya nilang tukuyin kung sino ang mga tao at kung saan galing ang video na viral sa internet.

Kaya naman lahat ay ginagawa nila at naniniwala ang marami na mareresolba nila ang Mamasapano inscident.

Sa ngayon, patuloy silang nag-iimbestiga kahit anong pagpigil ng mga terorista ay hindi sila mapipigilan.

Mabuhay ka Atty. Villarta, sir!

Keep up the good work!

God bless us all!

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *