Sunday , December 22 2024

Kasong criminal at administratibo vs pulis na nagpuslit kay Sen. Bong

bong revillaINIREKOMENDA ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) investigating team ang kasong administratibo at kriminal laban sa PNP officers na sangkot sa pagpuslit kay Sen. Bong Revilla Jr. para dumalo sa kaarawan ng kapwa senador na si Juan Ponce Enrile.

Batay sa lumabas na resulta ng imbestigasyon, na pirmado ni CIDG Chief, Dir. Benjamin Magalong, nagkaroon ng sabwatan ang duty officer na si Senior Insp. Cecilia Tapaoan at si Custodial OIC, Supt. Eulogio Lovello Fabro para payagang pumunta sa PNP General Hospital si Revilla habang nagdiriwang ng ika-91 kaarawan si Enrile.

Lumalabas din sa imbestigasyon na taliwas ang salaysay na sinumpaan ng security team ni Revilla na pinamumunuan ni Tampaoan, sa naging salaysay ni Raymond Santos na hepe ng emergency room ng PNP General Hospital.

Una nang idinipensa ni Sen. Revilla na may iniinda siyang sakit kaya nagpatulong siya sa mga pulis para dalhin sa ospital.

Kasunod nito ay lumabas din ang mga larawan ng senador kasama si Enrile sa isang mesa habang nagsasalo-salo.

Samantala, abswelto si Chief Supt. Alberto Supapo at ibang command group makaraan mapatunayang wala silang kinalaman sa nangyari, gayondin sina Chief Insp. Duds Raymond Santos, PO2 Mario Bello, PO2 Rico Padilla, PO2 Dennis Delos Santos at PO1 Joelito Olayvar.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *