Monday , December 23 2024

Higit 80% ng kongresista kontra BBL (Kung walang pagbabago)

BBLHINDI aaprubahan ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law (BBL) nang walang pagbabago sa nilalaman nito.

Ikinatwiran ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat, miyembro ng House Ad Hoc Committee on the BBL, naniniwala ang karamihan ng mga kongresista na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon ng panukala. 

“As is na walang bago, siguro mga 80% to 90% ng congressman ay hindi papayag na ipapasa ‘yan (Bangsamoro Basic Law),” ani Lobregat.

Kabilang sa pinaniniwalaan aniya nilang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang sinasabing pagbubuo nang hiwalay na constitutional offices at police force ng Bangsamoro, pati ang obligasyong makipag-coordinate rito ang militar bago magsagawa ng operasyon.

Matatandaan, ito rin ang posisyon ni House Ad Hoc Committee on the BBL Chairperson Rep. Rufus Rodriguez, nagsabing nagkasundo na ang mga kongresitang tanggalin ang nasabing mga probisyon.

Dagdag ni Lobregat, kahit pumasa sa Kongreso ang BBL, hindi rin ito papasa sa Supreme Court (SC).

“Kung ipapasa namin na as is, e siguradong pagpunta, sa Supreme Court, maideklara itong unconstitutional, sayang lang.”

Gayonman, sa pagplantsa nila sa panukala, aminado si Lobregat na ang maiiwang tanong ay kung tatanggapin ito ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *