Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tirador ng motorsiklo nasukol

060614 arrest posasNASUKOL nang pinagsanib na puwersa ng Bulacan Police Provincial Office at Philippine National Police Highway Patrol Group ang isang pusakal na tirador ng mga motorsiklo sa operasyon sa Plaridel, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, kinilala ang naarestong suspek na si Jomel P. Marcelino, alyas Doro, itinuturong lider ng notoryus na motorcycle theft ring na kumikilos sa Central Luzon.

Sa operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Agnaya, sa naturang bayan, nakompiska sa suspek ang isang itim na Motorstar motorcycle (4119QA), sinasabing pag-aari ng isang Joan Bautista.

Nabatid na habang nakaparada ang nasabing motorsiklo ng biktima sa bahagi ng Brgy. San Juan, Malolos City, bigla na lamang itong nawala sa kinaroroonan noong Pebrero 22.

Nakompiska rin sa pinaglulunggaan ng suspek ang 20 pang motorsiklo, tatlong tricycle at walong sidecar na pinaniniwalaang puro karnap.

Pansamantalang inilagay sa kostudiya ng PNP-HPG ang motorsiklo para sa beripikasyon.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …