Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakaseksing lalaki sa mundo

Kinalap ni Tracy Cabrera

112414 Chris Hemsworth

AYON sa US magazine People, pinangalanan si Australian actor at “Thor” avenger Chris Hemsworth bilang pinakaseksing lalaki sa mundo.

Inihayag ang parangal kay Hemsworth, 31, sa late night US TV show ni Jimmy Kimmel sa ABC at maging sa magazine na rin.

Sa panayam sa nasabing programa sa telebisyon, sinagot ng aktor habang nasa Australia ang ilang katanungan mula sa American TV audience. Sa simula pinahulaan muna ni Kimmel kung sino ang binansagang pinakaseksing lalaki.

“Kapag nahulaan n’yo ng tama, makikipag-make love sa iyo ang pinakaseksing lalaking buhay, kaya malaki ito. Bibigyan ko kayo ng tatlong clue. Sexy siya, isang lalaki, at buhay na buhay siya!”

Nasa banda ba siya? Hindi. Labis 35 ang edad? Mali pa rin.

“Mabalahibo ka ba?” tanong ng isang lalaking de balbas at nakakalbo mula sa audience, nakangiti.

“Dito lang sa itaas,” tugon ng sinasabing pinakaseksing lalaki na nakamaskara sa mukha.

Fast forward: at natumbok din ng audience na hindi Amerikano ang lalaki, at isang actor na gumanap bilang superhero sa pelikula, at may dalang martilyo: Si Thor ba sa Marvel Studios superhero movies? Bingo!

Ang naging award ni Hemsworth ay isang maliit na facial mirror.

“May masasabi ka ba sa mga natalo, partikular na si Matt Damon?” tanong ni Kimmel.

“I like everything there is about being sexy. Thank you, Matt, at sa iba pang mga kalalakihan. Ibinatay ito sa IQ test, hindi lang sa physical appearance,” ani Hemsworth.

Nang tanungin kung sino ang nais niyang pasalamatan sa karangalang natanggap, tumugon ang aktor, “Mga magulang ko, I guess, for putting this together.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …