Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bading at BI Susugod sa first major solo concert ni Michael Pangilinan sa Music Museum ngayong November 26

082014 Michael Pangilinan

00 vongga chika peterHanggang ngayon ay matindi pa rin ang impact ng entry song ni Michael Pangilinan sa Himig Handog P-Pop Love Song na “Pare Mahal Mo Raw Ako” composed by Joven Tan.

Kami man sa tuwing napapanood namin ang music video ni Michael kasama ang isang cute na guy para sa nasabing awitin ay hindi namin ito pinagsasawaan at talagang naki-carried away kami at napaluluha sa tindi ng emosyong dulot ng MTV. Sa aming FB account ay talagang pinag-usapan ang song ng alaga ni Mama Jobert Sucaldito. Ngayon ay naka 2 million hit na ito sa You Tube. Aminado si Michael na maraming magagandang oportunidad ang nagbukas sa kanya dahil sa awiting ito na ipinagkatiwala sa kanya ng Star Records.

For sure dahil maraming LGBT ang nagkagusto nito susugod rin sila sa first major solo concert ng kanilang idol na “MICHAELabot Ng Mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare),” na gaganapin ngayong Nobyembre 26 (Miyerkoles) sa Music Museum. Super excited na ang youngest Concert Heartthrob sa kanyang concert sa nasabing venue na bukod sa kanyang repertoire ay may kakantahin siyang mga bagong songs.

“Nandiyan pa rin siyempre ang ilang songs sa album ko under Star Records and my Himig Handog entry na Pare Mahal Mo Raw Ako. I’m very grateful to the more than 2 million viewers ng music video namin sa You Tube. Nakatataba ng puso para sa isang baguhang katulad ko. Kaya I promise to everyone na hindi ko kayo bibiguin sa abot ng aking maliit na kakayanan, sisiguraduhin kong pag-iigihan ko ang trabaho ko para lalo pa ninyo akong mahalin,” matamis pang pangako ni Michael.

Ayon naman sa Musical Director ng show na si Butch Miraflor may mga bago siyang ipinagawa kay Michael dahil bilib siya sa galing nito. “May mga bago akong ginawang mga areglo para kay Michael. A combination of old and new songs – may medleys siyang kakaiba. Oo naman nandi-yan pa rin ang tunog niya like ‘yung songs na paborito niyang kantahin -Latch, Rude,Pare …, Kung Sakali, etc. Pero nilagyan ko ng kakaibang numbers like Usahay, Buchikik at marami pang iba.

Magaling kasi talagang bata iyang si Michael kaya ‘di ako hirap gawan ng areglo ang mga songs niya. Sana nga ay mas malayo pa ang marating ng batang iyan – huwag sanang maging pasaway one day, pagmamalaki ni Tito Butch.

Ang taray ng line-up ng guests ni Michael na kinabibilangan nina KZ Tandingan, Marion Aunor, Prima Diva Billy, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Jay-R, and Aljur Abrenica with the special participation of Atak, Gie Kinis and Rowell Quizon na magbibigay ng comic relief sa show. Mag-uumpisa ang concert ng 8:00 pm kaya dapat sa mga patron ay agahan ninyo para mapanood ninyo nang buo ang show.

At siyempre this concert wouldn’t have been possible kung hindi dahil sa tulong ng presenters and major sponsors, kaya nais pasalamatan lahat ni Jobert ang mga sumusunod – Isabela Gov. Bojie Dy, Erase Placenta, Lucida-DS, Vaniderm,

Naturaleza-biz Afficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Hanna’s Beach Resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Quadro Frames, McQueen Petals Flower Shop, Sutla, Mr. Neal Gonzales, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mama Lily Chua, Mr. Zaldy Aquino, Herbert C. and Ninong Noel Martinez.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …