Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jed, pinayuhan ni Kris na maging maingat sa pagpo-post sa social media

ni Ambet Nabus

112414 jed madela kris aquino

NAKAKADALAWA na si Jed Madela na mabugbog ng kantiyaw at batikos dahil sa sinasabi nilang pagiging iresponsable nito sa pagpu-post sa social media.

Hindi nga ba’t kinuyog na siya rati ng Kathniel fans nang piktyuran ang sinasabing “kalat” (hindi naubos na pagkain dahil agad na tinawag for take) ng mga ito sa isang event sa Araneta Coliseum noon?

Tapos ang latest nga ay ang pagpaparunggit naman niya sa kung sino (o mga sino-sino?) na ginamitan pa niya ng salitang “monkeys” patungkol sa kanyang disgusto on something habang nasa Cagayan de Oro (CDO) siya.

Nag-sorry na si Jed at nilinaw naman ng CDO government na wala silang sinasabing idedeklara nila itong persona non grata, pero “nganga” pa rin ang lahat sa kung sino (o sino-sino?) ang binabatikos ng magaling na singer sa kanyang post.

May nagsasabing ang mga tao umano sa ASAP ang pinatutungkulan ni Jed dahil nga raw marami itong hindi gusto sa kanyang participation sa programa, including his doing duets with new singers.

Mismong si Kris Aquino na ang nag-advice kay Jed na maging maingat ito sa pagpu-post ng mga emosyon sa social media at kung mayroon man itong pinatatamaan ay agad na nitong pangalanan upang hindi na lumalala ang isyu!

Hay…

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …