BAKAS ang excitement kay Kathryn Bernardo sa nalalapit na pag-release ng kanyang debut album. Ayon sa Kapamilya teenstar, ang kanyang album ay maglalaman ng anim na kanta at ilang bonus tracks.
Natapos na ni Kathryn ang dalawang music video ng forthcoming album niyang ito sa Star Records at ang isusunod naman nila ay ang cover nito.
“Nag-shoot na ako ng dalawang music video, yung isa ay ang Mr. DJ at You Don’t Know Me. ‘Tapos this week, magsu-shoot na rin kami for the cover,” saad niya.
Ang Mr. DJ ay original song ng Megastar na si Sharon Cuneta na naging big hit noong 70’s. Samantalang ang You Don’t Know Me ay komposisyon ng promising singer/composer na si Marion Aunor.
Nakita na namin ang video ng naturang kanta at sure ako na potential hit ito. Actually, dapat ay gagamitin ni Marion sa next album niya ang kantang ito. Pero nang marinig daw ito ng Star Records ay napagpasyahan nilang ibigay na kay Kathryn ang kanta dahil bagay sa young actress ang tema nito.
Proud naman si Marion na kantahin ni Kathryn ang isang komposisyon niya. Puring-puti nga ni Marion ang Teen Queen dahil tinatanong pa raw siya nito tungkol sa kanta, para raw mas mabigyan ni Kathryn ng buhay ang interpretasyon niya rito.
Anyway, maganda ang kinalabasan ng music video’ng ito dahil naging trending topic pa ito sa Twitter. Ipinahayag naman ni Kathryn ang kasiyahan dahil dito. “Masaya! Maraming salamat sa mga taong binigyan nila ng oras na panoorin iyong ilang minutes na ‘yun and sana after nila manood, natuwa naman sana sila.”
Sinabi rin ni Kathryn na although ang management nila ang pumili ng mga kanta sa kanyang album, kinonsulta rin daw siya ukol dito.
“Choice ng management yung songs, pero tinatanong din naman nila ako. For this album, ipinagkatiwala ko muna sa kanila yung lahat.”
Idinagdag pa niyang masaya siya na makita rin ng ibang tao ang kanyang talento sa pagkanta.
“Masaya ako na nag-e-explore ako ng ibang craft ko naman. Gusto ko rin naman maging open sa iba, para hindi lang arte Tapos, nag-aaral din ako mag-dance, ganyan, para mas flexible.”
Sinabi pa ni Kathryn ang ginawa niyang preparasyon para sa album.
“Of course voice lessons and nagpa-practice ako. Tapos, kailangan maging confident ka sa sarili mo para mas magawa mo yung pagkanta.
“Basta excited ako na mapanood nila yung totoong music video and na-excite ako na mapakinggan nila, kasi super saya ako noong ginawa ko iyon.
“Iyong album, super hands-on ako doon. Talagang yung mga ideas ko sinasabi ko sa kanila, very personalized. So, sana ma-enjoy nila, kasi it’s something new kapag makita nila.
“Sa concert naman if ever magkaroon, hindi ko alam. Tingnan natin kung gusto nila,” nakatawang saad pa ni Kathryn.
Since may album na si Daniel Padilla, binigyan ba siya nito ng tips sa pagkanta at recording?
“Basta ano lang, natutuwa naman siya sa akin sa ngayon, very supportive naman siya sa akin and yun, proud naman daw siya sa akin,” esplika pa nito.
Ang mga kantang bubuo sa album ni Kathryn ay: Ikaw Na Nga Yata, Temporary Déjà Vu, You Don’t Know Me, and K Thanks Bye. Ang revivals naman ay ang Crush ng Bayan at Mr. DJ.
ni Nonie V. Nicasio