Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda balik kay Terrence Romeo (Si papang basketeer talaga siguro ang true love?)

112114 Terrence Romeo Vice Ganda

00 vongga chika peterMATATANDAANG dumistansya noon si Vice Ganda sa rumored boyfriend na player sa UAAP na si Terrence Romeo. You and me against the world kasi ang drama ng relasyon ni Vice sa nasabing Global Port player at isa sa galit sa kanya ang tatay nito.

Sa pagka-disgusto ng father ni Terrence sa sikat na gay comedian host, kung ano-anong masasakit na salita ang pinakawalan nito laban sa kanya at para iwas-gulo ay hindi na lang sinagot o pinatulan ni Vice. Matagal-tagal na rin nanahimik ang isyu kaya marami ang nagulat last Sunday sa programa ng komedyante sa Kapamilya network na “Gandang Gabi Vice.” Hindi man diretsang binanggit ni Vice ang pangalan ni Terrence sa show no’ng maglaro sila ng “Flames” na usong-uso sa ibinibirong mag-partner kasama ng kanyang guest na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Ang apelyidong Romero ang isinulat ni Vice na ipinareha niya sa kanya.

Siyempre ang thinking ng televiewers kasama na ng inyong kolumnista ay nililigaw lang ni Vice ang lahat pero iisang tao lang ang kanyang tinutukoy at ‘yan ay walang iba kundi ang kanyang Papa Terrence Romeo. Kasi habang nagsusulat siya sa white board ay sigaw nang sigaw siya at sobrang kinikilig pa.

Well kung nagkabalikan nga ang dalawa ay wala na tayong paki pa roon lalo na’t kung ang papang basketeer naman talaga ang true love ni Vice.

Wa na tayo care gyud!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …