ni Ambet Nabus
NAKATUTUWA naman si dating Presidente at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada dahil in the absence of his son Senator Jinggoy to Julian’s movie premiere of Relaks It’s Just Pag-ibig, ay siya ito talagang namuno na sumuporta sa apo.
“Gusto kong mapanood ang apo ko as an actor. Natutuwa ako na he followed my footsteps, gaya ng daddy niya na nag-artista rin bago rin ako ginaya sa politika,” ang natatawa pang sagot ni Mayor Estrada sa mga nakausap na kaibigan sa media noong premiere night ng movie.
Showing na ang pelikula na ayon sa aming mga pamangkin at mga kapitbahay na ‘bagets’ ay nakai-inlab at masayang panoorin.
Galing na galing sila kina Inigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada na alam mo raw na may dugong artista sa pagiging natural gumanap. ”Malakas din ang sex appeal niya tito,” hirit pa ng mga nakapanood naming pamangkin.
Mukhang panahon na ngayon ng mga bagong mukha sa TV at movies mare. Ang lakas maka-bagets ng emosyon and aura ng mga gaya nina Julian et al..hahaha!