Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagito, maselang teleserye pero tinututukan

111714 Nash alexa ella

00 SHOWBIZ ms mHINDI kataka-taka kung maraming magulang at teen-ager ang tumututok sa Bagito ni Nash Aguas. Paano’y wastong paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang ibinabahagi ng teleseryeng Bagito na handog ng Dreamscape Entertainment Television mula sa ABS-CBN2.

Bagamat may mga maseselang usapin o tema ang Bagito, isang eye opener ito sa mga magulang sa posibleng pagdaanan ng kani-kanilang anak. Tiyak na malaki ang maitutulong ng Bagito para mailayo sa maling landas ang mga kabataang tulad ng ginagampanang karakter ni Nash.

Samantala, mainit na tinutukan ng sambayanan ang pilot episode ng Bagito. Pumalo kasi ito agad sa ratings. Sa datos mula sa Kantar Media nakakuha ang Bagito sa national TV rating ng 27.2%, o mahigit doble laban sa katapat nitong programa sa GMA na Coffee Prince (11.3%).

Wagi rin ang Bagito sa social networking sites tulad ng Twitter na naging hot topic sa netizens ang serye at naging worldwide trending topic pa ang official hashtag ng programa na #Bagito1stCrush. Naging nationwide trending topic naman ang isa sa mga bida nito na si Ella Cruz.

“Ginawa po namin itong ‘Bagito’ para maturuan at maging mulat ang mga bata at magulang sa mga totoong nangyayari sa mga kabataan ngayon,” ani Nash kung bakit niya tinanggap ang role.

“Dapat pong abangan ng viewers ang mga pagdaraanan ni Drew, dahil ituturo po ng ‘Bagito’ sa buong pamilya, lalo na po sa mga ka-edad namin, ang mga maaaring mangyari kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali,” sambit naman ng ka-loveteam ni Nash na si Alexa Ilacad.

Tutok lang gabi-gabi sa ABS-CBN2 para sa Bagito na napapanood bago mag-TV Patrol.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …