Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulad nina Aga at JM, Nash Aguas gaganap na batang ama sa “Bagito” serye mapanonood na simula ngayong gabi (Nov 17) sa Primetime Bida sa Kapamilya network

 

111714 aga nash jm

00 vongga chika peterMukhang malayo ang magiging future ng “Bagito” na pinagbibidahan ni Nash Aguas at ng love-team na si Alexa Ilacad na palabas na simula nga-yong Lunes (Nobyembre 17) bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Three days ago, bago ipalabas ang nasabing teleserye ay nag-#1 spot na agad sa trending topic sa Pilipinas ang vteaser nito. Hindi lang sa social media pinag-uusapan ang Bagito kundi maingay rin sa bagets generations dahil kwento nila ito specially sa mga young Daddy na tulad ng ginagampanan ni Nash sa serye nila ni Alexa. Very challenging ang role ni Nash bilang si Drew na katorse anyos, 2nd year High School student na kahit nagbibinata na ay immature pa rin. Kaya madalas siyang mapagalitan ng kanyang mga magulang. Sa murang edad dahil wala pang kaalaman pagdating sa pag-ibig ay natukso si Drew sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso at gustong maging syota na si Vanessa (Ella Cruz). Nabuntis niya ang dalaga, paano niya iha-handle ang sitwasyon lalo pa’t wala si-yang alam sa ganitong responsibilidad. Bago pa ang Kapamilya young actor (Nash) ay buong ta-pang nang ginampanan noong 1985 ni Aga Muhlach ang nasabing papel sa Miguelito Batang Rebelde at JM de Guzman sa Angelito Batang Ama. Base sa aming narinig, mahusay ang performance ni Nash sa serye kaya’t pwede siyang mapasama sa mga nominadong Best Drama Actor sa susu-nod na taon. Gaganap naman si Alexa bilang Camille, 14 years old. Anak ni Sylvia (Agot Isidro). GF ni Drew. Malaki ang expectations sa kanya ng na-nay niya, kaya ma-dalas siyang napi-pressure sa mga gawain sa school. Part rin ng youth oriented drama program sina Ariel Rivera, Angel Aquino at ang Kapamilya bagets stars na magi-ging barkada ni Drew na sina John Bermundo, Grae Fe-r-nandez, Joaquin Reyes, Alexander Diaz, Paolo Santiago, Brace Arquiza at marami pang iba. Si Direk Onat Diaz ang director ng serye na maagang pamaskong-handog sa inyo ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …