ITINUTURING ni Nash Aguas na malaking blessings sa kanya ang teleseryeng Bagito na mapapanood na ngayong Lunes, Nov. 17, 2014, bago mag-TV Patrol.
Masasabing ibang Nash Aguas ang mapapanood dito dahil gaganap siya bilang batang ama sa seryeng ito. Nakabuntis kasi ang karakter niyang si Drew dito sa edad na 14.
Aminado si Nash na wala pa siyang nagiging girlfriend sa edad niyang 16, in fact, sinabi niyang hindi pa siya nakapapanligaw talaga. Kaya malaking challenge sa kanya ang pagganap niya bilang batang ama.
Ayon sa Kapamilya young actor, sobra siyang kinabahan sa love scene nila ni Ella Cruz. Pero, mas nakatulong daw ito para lumabas na natural ang eksena para sa mga tulad niyang bagito pa sa ganitong bagay.
“Hindi nyo lang po alam, sobrang nanginginig po ako niyon. Mas kabado pa po ako kay Ella. Opo, talaga, seryoso po,” saad niya hinggil sa kanilang eksena.
“Pero si Direk po, laging sinasabi na trabaho lang naman iyon. Actually, umaga pa lang, gabi pa po iyong scene, kinakahaban na talaga ako.
“Pero noong na-preview naman namin iyong eksena, swak naman po iyong reaction ko roon para sa character ni Drew, kaya ayos naman po,” nakangiting saad pa ni Nash.
Sinabi ni Nash na kahit hindi natuloy ang seryeng Inday Bote nila ni Alexa Ilacad ay masaya sila dahil magandang project itong Bagito para sa kanilang tandem.
“Mas masaya po kami, dahil alam namin na mas comfortable kami sa drama. Hindi kagaya ng Inday Bote na medyo kilig-kilig po, may pagka-Romcom.
“Pero kaya naman po namin, kaya lang ay mas feel namin na dito po kami.”
Ang kahalagahan ng wastong paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang ibabahagi sa viewers ng Kapa-milya teen stars na sina Nash at Alexa sa pamamagitan ng kanilang ka-una-unahang primetime teleserye as ABS-CBN na Bagito na mapapano-od na simula ngayong Lunes (Nobyembre 17). Ang “Bagito” na hango sa Wattpad series na isinulat ni No-reen Capili, ay iikot sa kuwento ni Drew (Nash), isang binatilyo na maagang haharapin ang res-ponsibilidad ng pagiging isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali.
Paano magbabago ang buhay ni Drew at ng kanyang mga mahal sa buhay sa pagdating ng kanyang anak? Handa na ba siya na talikuran ang buhay ng isang bata at harapin ang hirap ng buhay bilang isang binatilyong ama? Ano bang mahalagang gagampanan ng mga magulang ni Drew sa pagsuong niya sa “totoong mundo?”
Ang “Bagito” ay sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan”,”Ina, Kapatid,Anak”, “Juan Dela Cruz” at “Ikaw Lamang”
Ito ang kauna-unahang Kapamilya Primetime teleserye nina Nash at Alexa. Bukod kina Nash at Alexa, tampok din sa Bagito sina Ella Cruz, Agot Isidro, Ariel Rivera, Angel Aquino, Paolo Santiago, Alex Diaz ang grupong Gimme 5 na binubuo nina Joaquin Reyes, John Bermudo, Grae Fernandez, Brace at Arquia, at iba pa.
ni Nonie V. Nicasio