Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

James Reid, nag-extra sa Relaks, It’s Just Pag-ibig

 

101414 james reid

00 fact sheet reggeeSAMANTALA, nagulat kami dahil extra pala sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig si James Reid na sikat na ngayon?

Kuwento ng isa sa Spring Films producer na si Erickson Raymundo, “bago palang kasi si James Reid noon, hindi pa siya sikat, eh, ngayon sikat na sikat na. Last year pa kasi ito ginawa.”

Kuwento rin naman ng ex-girlfriend ni James na si Ericka Villongco na, “we’re still together when we’re doing ‘Relaks’, so nag- cameo role siya.”

Kita mo nga naman ang ikot ng buhay Ateng Maricris, sinong mag-aakalang naka-dalawang hit movies na si James, ang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead samantalang, ngayon palang ipinalalabas ang Relaks, It’s Just Pag-Ibig na unang exposure niya sa pelikula.

Since clingy girlfriend ang papel ni Ericka sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig ay tinanong namin kung ganito rin siya noong sila pa ni James.

“I believe all girls can get crazy at a certain extend but I was never jealous of him (James) like I would always push him in something. I am very proud of him now,” mabilis na sagot ng dalagita.

Selosang girlfriend ba si Ericka? “Hmm, sometimes,” natawang sagot ng dalaga.

Sabi namin na ‘you’re always galet (slang), “why you galet?)” natawang sagot naman ng dalaga.

Si Inigo naman ay overwhelmed sa magandang reviews sa kanya kaya hanggang tenga ang mga ngiti at excited siya dahil may next movie siyang gagawin sa Viva Films.

Natanong namin ang binatilyo kung okay sa kanya ang clingy girlfriend, “it depends po, I mean, siguro hindi kasing clingy ni Cupcake (Ericka), gusto ko po ‘yung clingy na cute na alam mong she cares.”

At dahil katabi ni Inigo si Sofia kaya tinanong namin kung clingy partner siya na biglang natawa sa tanong namin.

“Clingy, hindi po ako ganoon, kaunti lang,” sagot ni Sofia.

Huling tinanong namin si Julian kung nagkaroon na siya ng clingy na girlfriend, “I don’t think so,” say ng binatilyo.

Sa tanong kung astig sa totoong buhay si Julian, “hindi po, sobrang banal po,” sabay ngiti sa amin.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …