Sunday , December 22 2024

Vince Tañada, last movie na ang Esoterika: Maynila

111214 Direk Vince Tañada

00 Alam mo na NonieSOBRANG daring ni Direk Vince Tañada sa pelikulang Esoterika: Maynila! Hindi lang siya nakipag-orgy dito, at least, five times silang may kissing scene rito ni Ronnie Liang, na siyang bida sa pelikulang mula sa pamamahala ni Direk Elwood Perez.

Ang Esoterika: Maynila ay dinagsa ng mga manonood nang maging opening film ito sa 10th Cinema One film festival sa Trinoma Mall last Sunday, Nov. 9.

Aminado naman ang top honcho ng Philippine Stagers Foundation (PSF) na siya man ay nagulat sa kanyang mga ginawa sa pelikulang ito. Pero bilang isang tunay na alagad ng sining, ginagawa lang daw ni Direk Vince ang trabaho niya bilang aktor.

“Nagulat nga ako, hindi ko akalain na ganoon pala iyon. Kasi, kapag sinu-shoot namin ay parang hindi ganoon, e. Pero masaya ako sa resulta ng pelikula, kasi hindi naman pala ganoon sa inaasahan ko,” saad ni Direk Vince patungkol sa inaasahan niyang mas daring pang mga eksena na mapapanood niya.

“Sobrang daring nga, kaya hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng mga kasamahan ko sa propesyon, ng mga panyero ko,” nakatawang dagdag pa niya.

Pero sure naman kami na madi-differentiate ng mga Panyero mo ang Vince Tañada na abogado at actor? “Tama, tama. Kasi, alam mo naman na iyon ang passion natin kaya ko ginagawa pa rin ito.

“I’m realy passionate with the… yung istorya pa lang ay natuwa na ako. Ipinakita kasi dito iyong iba-ibang klase ng LGBT, kaya nakakatuwa.”

Kinuha rin namin ang reaction niya sa magaling na pagganap niya rito bilang social climber. “Oo, sobra akong social climber dito e. Pero hindi naman iyon sa totoong buhay, dahil alam nyo naman na very-humble tayo at saka very friendly,” nakangiting saad pa niya.

Nasabi rin ni Direk Vince na ito na ang kanyang last movie dahil gusto niyang mag-concentrate sa teatro. Pero, posible raw sumabak siya sa movie directing at sumali sa Cinemalaya o sa Cinema One next year.

Sa sinabing ito ni Direk Vince ay lalo kaming sumaludo at humanga sa kanya sa pagmamahal niya sa teatro at bilang isang tunay na alagad ng sining. Specially nang nalaman naming hindi siya tumanggap ng talent fee sa movie. Actually, pati ang mga Stagers na lumabas dito ay si Direk Vince pala ang nag-shoulder ng TF nila.

Anyway, bukod kina Ronnie at Vince, ang iba pang cast ng pelikula ay sina Boots Anson Roa, Lance Raymundo, Snooky Serna, Carlos Celdran, Cecile Guidote-Alvarez, ang mga taga-PSF sa pangunguna ni Adelle Ibarrientos-Lim.

ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *