ITO pa ang isang hindi pirmis ang mga inilalabas na patakaran — si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman, Atty. Winston Gines.
Ang sabi n’ya sa isang radio interview, ‘yung mga mayroong sariling negosyo ay hindi na kailangan kumuha ng prangkisa para sa kanilang delivery van.
Nagtakda sila ng deadline nitong nakaraang Setyembre (2014) kaya naman ‘yung iba ay nagkakandakumahog para mag-comply.
Nag-attend nang nag-attend sa mga hearing na itinakda ng LTFRB at nagpasa ng sandamakmak na rekesitos pero hanggang ngayon wala pa rin?!
NGANGA pa rin!
Ano ba ‘yan, LTFRB Chairman Gines!
Ipirmis ninyo nga ang mga patakaran ninyo!
By the way LTFRB Chairman Gines, magkano ba ang kinita ninyo ‘este’ ng ahensiya n’yo sa rationalization ng bus routes sa Luzon!?
Balitang-balita kasi na umabot ng P100 milyon daw ang kinita diyan?
Paki-explain nga!