Thursday , November 14 2024

Mga proposed bill ni Mayor Lim noon kailangan ngayon

HINDI na sana lumala ang pagnanakaw at pag-abuso sa pamahalaan kung naipasa ang mga panukalang batas ni Manila Mayor Alfredo Lim noong senador pa siya.

Matagal na sanang nasawata ang political dynasty sa bansa at naawat ang walang pakundangang pandarambong ng mga mambabatas sa kanilang pork barrel kung naisabatas ang ilan sa mga inihaing bill ni noon ay Senator Alfredo Lim.

Noong July 4, 2004, ilang araw pa lamang matapos makapanumpa at maluklok na senador si Mayor Lim, agad siyang naghain ng panukala na ipagbawal ang political dynasty sa pamahalaan.

Ito ay nakapaloob sa Senate Bill No. 1317 ni Lim na pinamagatang ANTI-POLITICAL DYNASTY ACT OF 2004, “AN ACT TO PROHIBIT POLITICAL DYNASTY, PROVIDE PENALTIES FOR VIOLATION THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES.”

Maaga sanang natapos ang kabuktutan at pag-abuso ng political dynasty ni VP Jejomar Binay sa lungsod ng Makati kung sinuporthan ng mga kapwa senador ni Mayor Lim at naipasa ang kanyang mga panukalang batas.

Pagbuwag sa pork barrel

AT noong February 19, 2007, inihain naman ni noo’y Senador Lim ang Senate Bill 2618 na pinamagatangABOLITION OF CONGRESSIONAL PORK BARREL, “AN ACT ABOLISHING ALL FORMS OF CONGRESSIONAL ‘PORK BARREL’ OR APPROPRIATIONS THAT PROVIDE FUNDS TO MEMBERS OF CONGRESS INTENDED FOR THEIR RESPECTIVE PUBLIC WORKS, SOCIAL, LIVELIHOOD, DEVELOPMENT OR REHABILITATION AND OTHER PROJECTS THAT APPROPRIATELY APPERTAIN TO THE EXECUTIVE DEPARTMENT.”

Hindi na kailangang hulaan ang dahilan kaya natengga lang sa mga committee ng Senado ang mahahalagang panukala ni Mayor Lim, dahil makasisira sa personal na interes at kapakanan ng mga kapwa niya mambabatas na miyembro ng 13th Congress.

Ang political dynasty ay kakambal ng pork barrel. Kaya may political dynasty ay dahil sa pork barrel na mananakaw.

Decriminalization ng libel

ISA pa sa panukalang batas ni Mayor Lim noon na ‘di binigyang pansin ng mga kapwa mambabatas sa 13th Congress, kaya’t natengga lang sa committee ng Senado, ang kanyang Senate Bill 1724 na pinamagatangDECRIMINALI-ZING LIBEL INVOLVING ALL FORMS OF MASS MEDIA, “AN ACT TO DECRIMINALIZE LIBEL INVOLVING ALL FORMS OF MASS MEDIA AND FOR OTHER PURPOSES.”

Tutol rin ang mas nakararaming politiko at mambabatas sa panukala na maging civil case na lang ang libelo, imbes kasong kriminal, tulad sa Estados Unidos na pinagkopyahan ng mga batas natin.

Hindi sila papayag para lagi silang may armas na nagagamit laban sa mga nagbubulgar ng kanilang katiwalian.

PIERCING SHOTS . . .

SENADO, “KANGAROO COURT” – Walang gatol si VP Binay na taguriang “Kangaroo Court” ang Senate Blue Ribbon Subcommittee.

Hindi pala mukhang senador ang itsura ng anak niyang si Nancy!

***

GUEST OF “HORROR” – Naging guest of honor and speaker kamakailan si VP Binay sa ika-32 anibersaryo ng Lions’ Club District 301-D2 sa Manila Hotel.

Kaya naman pala hindi nadadala ang mga magnanakaw sa gobyerno ay pinapalakpakan na, binibigyan pa sila ng plaque bilang parangal imbes iwasan!

***

IBA NA PALA ANG APO – Sa pagkakaintindi at pagkakaalam ko, ang mga fraternity o samahang tulad ng Alpha Phi Omega (APO) ay nagtataguyod lamang ng pagsasama-sama para sa kabutihan.

Bakit kumikilos daw ang mga Bro sa APO para suportahan si VP Binay? Hehehe!

***

BINAY PURO “GIG” ANG GUSTO – Mas kursunada ni VP Jojo Binay na magtalumpati sa iba’t ibang pagtitipon kaysa kumasa sa imbitasyon ng Senado para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Sa mga dinadaluhan niya kasing okasyon ay para lang siyang nakikipag-usap sa pader, walang nagtatanong kapag siya ay nagtatalumpati!

 Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *