PUNONG-PUNO ng hinaing ang mga newly trained members of the Airport Police Department (APD) dahil umano sa isang opisyal ng APD na pinagkakakitaan sila.
Hindi lamang basta pinagkakakitaan kundi ginagawa pa raw silang ‘palabigasan.’
Ayon sa nagreklamo sa atin, kabilang sa tatlong huling grupo ng mga bagong graduate na APD force, may nakalaang P13K monthly training allowance sila sa loob ng tatlong buwan na puspusang pagsasanay.
Ngunit laking gulat nila nang kanilang iba-lanse ang ATM card nila na inisyu ng Manila International Airport Authority (MIAA), natuklasan nilang muntik nang masaid ang laman nito.
What the fact!?
Wala naman silang lakas ng loob na magtanong sa kanilang hepe na si ret. Gen Jesus Descalzo kung anyare sa allowance nila?
Baka nga naman mapag-initan pa sila ‘di ba?
Hinaing ng bagong Airport police, sa kanilang pagtatanong ay iisa ang naging direksiyon kung sino ang nasa likod kung bakit nagka-windang-windang ang konting pagkakaperahan nila.
Nalantad sa kanilang kaalaman na ang kanilang ATM ay nasa custody pala ng isang opis-yal ng APD at ang halaga ng nawala sa kanilang allowance ay umabot sa P35K deductible umano bilang pambayad sa naging gastos sa training, kabilang na ang uniporme, pagkain at iba pang gamit nito.
Kung kaya’t laking gulat ng mga bagitong Airport Police Officer dahil sa buong akala nila ay sagot ng MIAA ang gastos at ang training allowance nila na nagsilbing take home cash allowance after ng rigid training.
Pambihira naman talaga!
MIAA Senior Asst. GM Vicente Guerzon, totoo ba ang anomalyang ito sa MIAA APD training?
Alam na kaya ito ni APD manager ret. General Sir Jess Descalzo?