Thursday , November 14 2024

Police report bakit may bayad na P20, Mayor Tony Calixto?

MUNTIK na tayong mahulog sa ating kinauupuan nang mabalitaan nating may bayad na pala ngayon ang pagkuha ng police report sa Pasay City na tinaguriang “Sin Capital” ng bansa.

Nagsadya kamakalawa sa Pasay City police detachment sa SM Mall of Asia (MOA), Pasay City ang isang singer-musician upang magpa-blotter at kumuha ng police report.

Nawaglit kasi ang kanyang wallet sa loob ng isang sinehan sa MOA na naglalaman ng driver’s license at iba pang mahahalagang transaction ID cards, alas-9:00 ng gabi, nitong nakaraang Sabado.

Itinuro ng duty officer na roon siya magtungo sa kanilang investigation division sa Pasay City Police headquarters sa gilid ng Pasay City hall dahil hindi raw sila gumagawa ng police report.

Nang magtungo sa Pasay police investigation division office ay pinabalik naman siya pinaggalingang detachment matapos sabihan na hindi raw sila gumagawa ng blotter at police report.

Matapos pabalikin sa MOA detachment ay saka lamang ipinaliwanag sa kanya ng duty police officer, na nakilala sa pangalang JC Lim, na kailangan niyang magpagawa ng notaryadong affidavit of loss sa Pasay City hall na mahigit P100 ang halaga at pagkatapos ay magbayad ng P20.00 sa City Treasurer’s office.

Ayon daw kay Lim, ibabase nila ang pagrehistro sa blotter at pag-issue ng police report sa resibo bilang katibayan ng mga pinagbayaran sa Pasay City Hall.

Alas-dose pasado ng hatinggabi siyang nagtungo sa pulisya para mag-report dahil gabi na rin nang madiskubre niyang nawawala pala ang kanyang pitaka kaya Lunes na siya pinababalik.

National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Carmelo Valmoria, pwede po bang malaman kung kasama ang paniningil ng police report sa ipinagmamalaking reporma sa Philippine National Police (PNP) sa ilalim ni Dir. Gen. Alan La Madrid Purisima?

Sa aking kompareng-putik naman na si Pasay Mayor Tony Calixto, kailan pa ba nagsimula ang katarantaduhan na pati mga biktima ay bibiktimahin pa at pagbabayarin ng police report?

At kay Pasay city police officer-in-charge Superintendent Alex Fulgar, kailan mo pa ipinatigil at ipinagbawal ang paglalagay sa blotter ng insidente at pagbigay ng police report sa publiko kung walang pambayad?

Totoo ba ang sinabi ng pulis na si Lim na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas daw ang mismong nag-utos na ipatigil ang pagbibigay ng libreng police report sa publiko?

 Rule of Law binabastos ni Binay sa ‘di pagsipot sa senate investigation

TAHASANG pambabastos sa Rule of Law ang patuloy na pagbalewala ni VP Jejomar Binay na humarap sa imbestigasyon ng Senado upang sagutin ang mga nabulgar na tagong-yaman na nakamal ng kanyang pamilya habang nasa puwesto sila.

Paulit-ulit lang na parang sirang-plaka ang laging palusot ni Binay, na kesyo sa publiko na lang siya magpapaliwanag.

Pero hanggang ngayon naman, kahit isa ay wala pang naipaliliwanag si Binay kontra sa mga dokumentado at detalyadong ebidensiya na inilantad ng mga testigo laban sa kanya.

Ang kapangyarihan na mag-imbestiga ay mandato ng mga senador na kasamang ipinagkaloob ng batas at ng mamamayan sa mga halal na mambabatas.

Ibinuko na rin ni Pangulong Aquino na kinausap nga siya ni Binay para hilutin ang mga senador at impluwensiyahan si Justice Secretary Leila de Lima na nag-iimbestiga sa mga kinasasangkutang anomalya ng kanyang pamilya sa Makati City.

May mas mabibigat pa bang lalabas na ebidensya kaya nangangatog at “takot na takot” si Binay na humarap sa imbestigasyon?

Bakit inaarbor niyang maipatigil ang imbestigasyon kung wala siyang itinatagong kalansay sa aparador?

Hindi dapat ibinoboto para maluklok sa anomang puwesto sa gobyerno ang sinomang katulad ni Binay na hindi kumikilala sa rule of law.

At ang mga tulad niya ay dapat parusahan upang hindi pamarisan!

***

(Para sa sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring lumiham sa e-mail address: [email protected])

 

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *