ISANG Libyan national na kanselado na ang tourist visa ang nagpupumilit pumasok sa bansa pero hindi siya pinayagan ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Sa ikalawang pagkakataon, hindi pinapasok si Khamil Wessan, 32-anyos na Libyan national, sa bansa dahil kanselado na nga ang kanyang tourist visa. Nangyari ito nakaraang Sabado.
Isang linggo bago ito, naunang dumating sa bansa si Wessan na mayroong tourist visa, pero hindi siya pinayagan pumasok sa bansa dahil wala siyang hotel na pupuntahan o pansamantalang panunuluyan kaya kinansela ang kanyang tourist visa.
Nitong October 11 (Sabado), muling duma- ting si Wessan sa NAIA T-3 lulan ng Emirates Air pero dahil kanselado at expired na ang kanyang visa, hindi ulit siya nakapasok.
Pero nagtataka tayo sa lakas ng loob maggumiit ni Wessan na siya ay papasukin sa bansa dahil mayroon daw siyang pera at siya umano ay maninirahan sa kanyang kaibigan sa Malate, Maynila sa loob ng isang linggo.
Sinabi ni Wessan, siya ay nagtatrabaho sa Coca-cola sa Tripoli pero muli siyang tinanggihan ng mga awtoridad.
Ayon sa Immigration ang kanyang pagpunta sa bansa ay kwestiyonable.
Pero ang nakagugulat dito, si Wessan ay ina-alalayan (escort) ng isang airport police at naki-kiusap pa sa Immigration na pagbigyan ang dayuhan dahil isang linggo lang umano mamamalagi sa bansa.
Pero nabigo ngang makapasok sa bansa si Wessan kahit may escort pa siya.
Ang tanong: sino ‘yung pulis ng airport na kasamang nakikiusap ni Wessan?!
Bakit ganoon na lang ang paggugumiit niya na papasukin sa bansa si Wessan?!
Isang tanong pa: bakit pinasakay ng airline si Wessan gayong wala naman siyang valid visa?!
Aba, malaki ang multa ng airline sa mga ga-nitong kaso.
MIAA SAGM ret. Gen. Vicente Guerzon, nasa iyong kamay na ang pagpapaimbestiga kung sino itong escort airport police!