Tuesday , December 10 2024

Interpretasyon ng palasyo mali — Ursua (Sa kustodiya kay Pemberton)

102214_FRONTPINANINDIGAN ng gobyerno na hindi sila nagkamali sa interpretasyon sa isyu ng kustodiya sa US Marine na suspek sa pagpaslang sa transgender sa Olongapo.

Ito ang tugon ng Palasyo sa opinyon ni human rights lawyer Evalyn Ursua, dating abogado ni “Nicole” sa Subic rape case, na mali ang interpretasyon ng pamahalaan sa Visiting Forces Agreement (VFA) partikular sa kung kanino ang awtomatikong kustodiya sa suspek na US serviceman.

Ani Ursua, nasa Filipinas ang awtomatikong hurisdiksyon sa kaso at maging sa kustodiya sa Amerikano, sang-ayon sa Article 5 ng VFA.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma, tumatalima ang pamahalaan sa mga probisyon ng VFA.

Sa harap nito, muling tiniyak ng Palasyo na makakamtan ng biktimang si Jeffrey Laude alyas Jennifer at kanyang pamilya ang hustisya.

Si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton ang itinuturong suspek sa pagpatay sa transgender.

Rose Novenario

 Suspek na US Marine ‘di sumipot sa prelim probe

HINDI dumalo sa paunang bahagi ng imbestigasyon si US Marine Private First CLass Joseph Scott Pemberton, ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa Filipina transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Sa preliminary investigation ng Olongapo City Prosecutor’s Office kahapon, iginiit ng Filipina lawyer ng US Marine na si Atty. Rowena Garcia-Flores, hindi obligado ang kanyang kliyente na humarap sa imbestigasyon.

May 10 araw rin aniya silang palugit para magsumite ng counter affidavit mula nang matanggap ang subpoena noong Oktubre 17.

Gayunman, hindi pa masabi ng abogado kung magsusumite sila ng counter affidavit makaraan ang palugit.

Dumalo para sa dayuhang sundalo ang kinatawan ng US embassy.

Sa panig ng transgender, dumalo ang kanyang kapatid na si Marilou, German fiancé na si Mark Sueselbeck, at abogadong si Harry Roque.

Testigo dadalo sa senate probe

KOMPIRMADONG haharap sa pagdinig ng Senado ang pangunahing testigo sa pagpaslang kay Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ngayong Miyerkoles, diringgin ng Senate Committee on Foreign Relations ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang Laude murder case at tiyak dadalo ang testigong si Mark Clarence Gelviro alyas Barbie.

Si “Barbie” ang pangunahing testigo sa krimen na isinailalim na sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).

Dadalo rin sa pagdinig ang mga kapatid ng biktima na sina Michelle at Marilou Laude gayondin sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario, Undersecretary Pio Lorenzo Patino, Presidential Commission on the Visiting Forces Agreement (VFACOM) Executive Director Eduardo Oban at ilang opisyal ng pulisya.

 DFA, DoJ kinalampag 4 US marines pabalikin – Chiz

KINALAMPAG ni Senador Chiz Escudero ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ) upang kausapin ang kanilang counterparts sa US para pabalikin sa bansa ang apat US Marines na testigo sa pagpatay kay Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Binigyang diin ni Uscudero, alinsunod sa Philippine-US Visiting Forces Agreement (VFA), obligasyon ng Amerika na iharap ang kanilang mga sundalo sa imbestigasyon o judicial proceedings.

Matatandaan, inamin ni DFA Spokesman Jarles Jose na hindi sila inabisohan ng US sa pag-alis ng apat testigo kasabay ng paglilinaw na hindi obligasyon ng Amerika na magpaalam sa kanila.

Desmayado si Escudero dahil kung hindi kayang protektahan ng gobyerno ang mga Filipino sa bansa ay mas lalong malabo itong mangyari sa mga Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito aniya ang dahilan ng kanyang suporta sa mga panawagan para repasohin ang VFA.

Ang nasabing apat sundalong Amerikano ang kasama ni Private First Class Joseph Scott Pemberton ilang oras bago pumasok sa Celzone Lodge ang suspek kasama si Laude.

Sa Celzone Lodge natagpuang wala nang buhay ang transgender woman.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

Sara Duterte impeach PBBM Renato Reyes Sal Panelo Bato dela Rosa

Kahit hindi pabor si PBBM
‘IMPEACH SARA’  SCRIPTED — PANELO

NANINIWALA si dating Presidential Spokesperson, Atty. Salvador “Sal” Panelo, ‘scripted’ ang inihain na impeachment case …

Sa bahagi ng Bulacan KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *