NANINIWALA na akong walang kinatatakutan at talagang untouchable sa kabila pa ng untouchable si alias Joy Rodriguez, ang bigtime jueteng operator sa lungsod ng Parañaque na pinamumunuan ni Mayor Edwin Olivarez.
Nag-umpisa sa Paranaque City hanggang tumawid na sa mga katabing lungsod ang TENGWE ni Joy!
Nalulungkot tayo na ang Parañaque ay tila nagiging isang ‘sin city’ na ngayon…
Mula sa isang asinan, ang Parañaque ay nabantog na siyudad ng mga high-end and exclusive subdivisions at dahil malapit sa premier airport of the country ay umusbong ang iba’t ibang uri ng negosyo kaya naman umunlad ang siyudad.
Pero ano itong nangyayari ngayon sa Parañaque?
Laganap na laganap na ang lotteng, jueteng at video karera. Hindi pa kasama d’yan ang iba’t ibang KTV and entertainment club na pinamumugaran ng iba’t ibang klaseng ilegal na negosyo at prostitution.
Ano na ba talaga ang nagyayari sa lungsod na pinamumunuan ninyo Mayor Edwin “slow motion” Olivarez?!
Aba ‘e hindi nangyari ‘yan noong panahon ni Mayor Jun Bernabe bakit nangyayari sa ilalim ng pamumuno ninyo?!
Pakisagot nga po mayor Olivarez from Laguna ‘este Parañaque!?