KAHIT kailan ay hindi natin minaliit si Vice President Jejomar Binay dahil sa kanyang sukat.
Pero kung totoo ang ibinunyag ni Senator Anronio “Sonny” Trillanes IV na hiniling niya kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pigilan si Justice Secretary Leila De Lima sa isasagawang imbestigasyon sa Makati Parking Building II, aba ‘e nakapanlilit ‘yan.
Hindi lang para sa sarili niya, kundi maging sa mga taong naniniwala sa kanya.
Kung totoong pinapipigil ni VP Binay kay PNoy nag imbestigasyon, ibig sabihin lang na may problema talaga siya?!
Sabi ni VP Binay, ano naman ang kapangyarihan niya para utusan ang Pangulo …
Hindi ba nakapagtatakang pwede niyang gawin ang bagay na iyon? E alam naman ng sambayanan na mayroong utang na loob ang pamilya Aquino sa mga Binay dahil sa ipinakitang loyalty sa isa’t isa.
Nakapanghihinayang na ang karera ng isang politikong gaya ni VP Binay ay magwawakas lang dahil sa isang hindi maipaliwanag na statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Kung hindi naman totoo ang mga isyung naglabasan nitong mga huling linggo at buwan kaugnay ng sinasabing mga yaman ng pamilya Binay, sa palagay natin ay walang dahilan para pigilan ni VP Binay ang isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ).
Ano sa palagay ninyo Gov. Remulla, Atty. Bautista at Mr. Joey Salgado?
OWWA ADMIN REBECCA CALZADO LIKAS NA SHY GIRL BA?
MUKHANG likas yata kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Rebecca Calzado ang pagiging mahiyain.
Puwede rin siguro na camera shy siya o mailap talaga sa media people, lalo na sa in-house reporters ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang obserbasyon na ipinarating sa inyong lingkod ng mga katoto natin sa NAIA.
Napansin nila ito dahil sa nalalapit na naman ang parangal sa itinuturing na “exceptional model OFW Families 2014 program” ng ahensiya ngunit anunsiyo lamang at walang tipong press con at fellowship sa media since she assumed office.
Anyway, sinabi ni NAIA-OWWA Officer Neil Chua na ang programa ay two-phase search ng Model OFW Family of Year Awards (MOFYA) 2014.
Maganda at makabuluhan ang proyekto na parang ‘di nabibigyan ng information dissemination.
Lalo na kung ang mananalo ay talagang deserving tulad ng kanilang inianunsiyo na mula sa OFW communities, church groups, civil organizations at non-government organizations ang mahihirang na magwawagi.
Hindi po ba?
Hindi lamang ito, precious Bulabugin readers. Ang alam natin ay marami pang naka-line-up na project this Christmas season ang OWWA na nangangailangan talaga na ipagbigay-alam sa madlang people.
As a concerned media man, I suggest na kailangan talagang magkaroon ng fellowship si Ma’am Becca sa mga kapatid nating media men covering her turf.
This is just a sort of unsolicited advice, Admin Becka Calzado.
IMMIGRATION OFFICIAL DANNY ALMEDA APPLE OF THE EYE NI BI COMMISSIONER SIEGFRED MISON
MARAMI pala lalong naiinggit ngayon kay Mr. Danny Almeda mula nang masibak ‘este maalis siya sa Bureau of Immigration (BI) – Immigration Regulation Division (IRD) at maitalaga siya ngayon sa BI Office of the Commissioner.
Masyado raw malakas si Mr. Almeda kay Immigration Commissioner Fred Mison kaya inilipat sa kanyang tanggapan?
Gusto siguro ni Comm. Mison na lagi niyang nakikita si Danny ‘fafafa’ boy?
Pero alam n’yo ba kung bakit raw maraming naiinggit kay Mr. Almeda?
Aba e hindi raw nauubusan ng swerte ang mama.
Bago ang administrasyon ni dating Pangulong GMA, kilala siyang madikit kay dating PNP chief Panfilo Lacson.
Akala nga noong iba, nang maupo si PGMA ‘e maitatapon siya sa kangkungan. Pero nagkamali silang lahat dahil naging sanggang-dikit pa nila ng kanyang kapatid si Mikey Arroyo.
Kaya tuloy ang ligaya…
Nang maupo naman si PNoy, ganoon pa rin. From Alien Registration Division head ay napunta naman siya sa IRD.
Nakaiinggit ang swerte mo idol Sir Danny!
Don’t worry Sir, one of these days ‘e sisilipin at papasyalan kita d’yan sa BI Office of the Commissioner para maibalita ko naman sa mga kabigan natin kung ano ang iyong pinagkakaabalahan ngayon.
Good luck on your new endeavour, Sir Danny.
Mwah mwah tsup tsup!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com