Wednesday , December 11 2024

“SN16” totoo ba ito?

00 aksyon almarOPS, ano itong kumakalat ngayon na “Oplan SN16?”

Ano ba ang SN16? Ano daw “STOP NOGNOG IN 2016.” Ano ‘yon?

Stop Binay a.k.a. Nognog sa pagtakbo bilang Presidente ng bansa sa Mayo 2016. Ganoon ba? Aba karapatan po ng sinoman ang tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.

So, bakit pipigilan si Binay sa gusto niya?

Paano raw kasi, hanggang ngayon sa kabila ng lahat ng paninira o atake kay Vice President Jojo “Nognog” Binay ay number one pa rin siya sa survey. Oo siya pa rin ang gusto ng masa na maging pangulo ng bansa sa 2016.

So, ibig bang sabihin nito ay marami pa rin ang hindi naniniwala sa mga akusasyon laban kay Binay sa Senado at sa halip, batid ng nakararami na ang lahat ay may kinalaman sa 2016 election? Malamang ganoon nga ‘yon.

Hay, napakahina kasi ng planong ilalaban ng admin kay Binay sa 2016 kaya… hayun, nabu-king ng kampo ni Binay ang Oplan SN16.

Sa isang interview naman sa TV program, tinukoy ng kampo ni Binay na sina DILG Secretary Mar Roxas at ang tatlong senador ng Senate Blue Ribbon sub-committee ang mga pa-ngunahing personalidad na nasa likod ng mga paninira kay Binay sa layong ibagsak ang kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections? Naku ha. Totoo ba ito? Mabigat na paratang ito ha!

Heto pa ang paratang nina Atty. JV Bautista at UNA interim president Toby Tiangco. Totoo ba ang paratang na ang LP faction daw ni Ro-xas at ni Budget Secretary Butch Abad, ang nagpopondo sa mga pagpaparatang kay Binay? At nagagamit lang daw sina former Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Antonio Bondal. Ha! Nagpapagamit ang dalawa? Hindi naman siguro. Sa hitsura ba ni Mercado na matinong politician ay nagpapagamit ang mama?

He he he he…

Anyway, kung sakaling totoo… sakali lang naman, ang sinabi ni Bautista na ang helicopter na ginamit sa pag-video ng umano’y 350-hec-tare property ni Binay sa Rosario, Batangas ay pag-aari ng isang alyas “Zamora” at alyas “Gutierrez.” Aba’y ibang usapan na siguro ito. Kunsabagay, kung sakali lang naman.

Teka, tanong lang ito ha at hindi pag-aakusa… totoo bang si Mr. Zamora ang isa sa sinasabing chief financier ni Roxas tuwing eleksyon habang si alyas “Gutierrez” ay partner raw sa negosyo ng isang administration Representative sa Metro Manila?

Plano naman ni VP Binay na lalabas nga-yong linggo para maglabas ng ebidensiya para pabulaanan ang mga paratang sa kanya bagamat nauna nang sinabi ni Binay na walang overprice sa ano mang itinayong gusali sa Makati sa ilalim niya bilang meyor, habang nilinaw niya na nagle-lease lang sila ng siyam na ektarya sa property sa Rosario, Batangas na pag-aari ng Sunchamp Real Estate Corp.. para sa kanilang orchid garden.

Sa isang talk show, sinabi ni Bautista na sinungaling si Mercado ang sabihin niyang siya ang sakay ng helicopter nang kunan ng video ang property ng Sunchamp. Dahil hindi raw si Mercado ang sakay ng chopper, bagkus ang graphic artist ng isang Senador. Ganoon ba?

Tinuldukan naman ni Bautista ang ano mang paglabas ni VP Binay sa harap ng Senate Blue Ribbon sub-committee dahil bahagi anya ng conspiracy ang tatlong senador doon na na-nanakot at nagbabanta pa sa mga resource persons kapag hindi nila makuha ang gusto nilang sagot para idiin ang mga Binay.

Dagdag naman ni Tiangco, kitang-kita ang kumpas ni Roxas at ang LP faction nila ni Abad sa black propaganda laban sa vice president.

Ibang pananalita nina Bautista at Tiangco ngayon ha. Mukhang puno na ang salop ni VP Binay at hindi na siya papayag na maging punching bag nino man.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *