ONLY in the Philippines lang talaga na kakatwang mag-isip ang mga politiko.
Kung kailan mga nangagsipagretiro saka sinipag na magsipag-farming. Magtayo ng babuyan, manukan, fishpond at magtanim ng kung ano-ano.
‘Yun iba naman ay nagtatayo ng malalaking resort.
Pero hindi lang basta farming sa isang maliit na lote kundi ekta-ektaryang lote o katumbas halos ng maraming barangay o isang baryo.
Eksampol na nga ‘yang si Vice President Jejomar Binay at misis n’yang si Madam Elenita Binay, halos apat na barangay ang katumbas ng kanilang farm sa Sto. Rosario, Batangas.
Si dating Senador Edgardo “Edong” Angara bukod sa farming ay nagtayo rin ng resort sa Baler, Aurora.
Si dating Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na bumili ng lupa at nagtayo ng farm sa Alfonso, Cavite courtesy ‘raw’ of Megastar Sharon Cuneta. Si Sen. Kiko ay advocate naman ngayon ng organic farming.
Gusto natin ang farming lalo na ang organic farming. Sa isang private citizen fulfillment ang tawag o ganyang buhay.
Pero ang ipinagtataka natin, bakit mga politiko ang gumagawa n’yan ngayon?!
Bakit hindi sila nag-farming noong wala pa sila sa politika?!
Mantakin ninyo politiko na humawak ng malalaking pondo, pagkaretiro nakabili ng pagkalalawak na lupain para gawing farm o resort?!
Very lucrative ba talagang maging politiko sa Philippines my Philippines?
Now I know, kung bakit malabo ang pag-unlad ng bansa natin na isang agricultural country …
Para kasi sa mga politiko na pinagkatiwalaan nating mamuno sa ating bansa, ang FARMING or AGRICULTURE ay isang retirement habit at hindi isang centrepiece program ng isang pamahalaan.
Ang tanong na lang, saan naman kaya galing ang ipinambili nila ng farm at magarang resort?!
Just asking lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com