Ang congestion problem sa mga pantalan sa Manila ports ay sanhi daw ng ibat ibang anomalya from the operator and customs brokers.
Pero may isang problema ang customs at ito ay ‘yun mga containers na mga nakaimbak for condemnation na dapat na rin ma-dispose completely to decongest ang mga yarda .
Ang mga containers for condemnation ay ang mga nahuling mga kontrabando na naghihintay for destruction na matagal nang mga nakaimbak.
Ano ba ang dahilan kung bakit piñatatagal pa ang mga kontrabando na ito? ‘e hindi naman puwede nai-auction or for donation ang mga ito.
Wala bang legitimate or accredited contractor ang customs to do the job para ma-dispose ang mga ito?
Lalo na itong mga used clothing na ayaw nang tanggapin ng DSWD dahil health hazard.Ano pa ang pakinabang sa mga ito?
By the way,totoo ba na may nawawalang mga LV sa 159 security warehouse sa Port of Manila?
Ano pa kaya ang mga bagay ang puwede mawala sa bodegang yan?
Bakit pinatutulog ito ng mga taga-AUCTION for disposal? At gaano katotoo na isa na lang daw ngayon ang kumakapit ng susi ng 159 security warehouse na dati naman ay apat na dibisyon ang may hawak?
Ano na rin kaya ang naging resulta sa imbestigasyon regarding sa mga ukay-ukay na nilabas ng mga taga Red Cross na sinalto naman ng mga tauhan ng BOC-ESS?
Paki-paliwanag lang po.
Ricky “Tisoy” Carvajal