SINALAKAY kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lugar ng Marcoses at doon ay nakompiska ang 15 original paintings umano.
Ang target daw ng NBI ay 100 historical paintings na dapat kompiskahin para ibalik sa national treasury pero hindi na nila nakita ang kanilang hinahanap.
Maraming hati ang opinyon ukol sa kasong ito.
Ang alam kasi ng marami, nanalo si dating First Lady Imelda Marcos sa kanyang kaso sa Amerika hinggil sa nasabing usapin.
Pero pagdating naman sa Philippines ay mukhang hindi ito kinikilala at hayan nga, makaraan ang tatlong dekada na paglilitis sa kaso laban sa pamilya Marcos ng Sandiganbayan ay ipinakompiska na ang koleksiyong paintings ni Madam Imelda.
By the way, may ilang art collector ang nagtatanong kung orihinal pa kaya ang mga paintings na nakompiska?
Aba e sa tagal nang panahon na pinag-uusapan kung sino ba ang dapat magmay-ari ng paintings na ‘yan, hindi man lang ba naiisip ng mga awtoridad na baka ‘reproduksiyon’ na lang ang nasabing mga paintings?!
Ang ibang nawawala pang paintings ay naibenta o naitago na kaya sa ibang bansa?
Baka isang araw, ang maging isyu na d’yan, ‘REPRODUKSIYON’ lang pala ang mga nakompiskang paintings ni Madam?!
Ano sa palagay ninyo mga suki?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com