TIGAS pa rin sa kanyang pagtanggi si VP Jejomar Binay na humarap para isa-isang sagutin ang mga nabulgar niyang yaman at nanindigan pa na hindi magbibitiw sa gabinete ni PNoy.
Wala nang kahihiyan!
***
SABI ni Sen. Nancy Binay, puro imbento raw ang mga akusasyon laban sa kanilang pamilya.
Hindi raw siya kundi ang kompanyang Cups & Mugs ng kaibigan na si Linda Chong ang nagsu-supply ng birthday cake para sa senior citizens ng Makati City.
Ngunit walang opisina ang Cups & Mugs sa address na ibinigay nito sa Agutaya St., Pinagkaisahan, Makati City, sino ngayon ang mahilig mag-imbento?
***
KASALANAN daw pala ni VP Jejomar Binay at ng kanyang pamilya kung bakit nagmahal ang presyo ng baboy at manok sa mga palengke.
Air-conditioned kasi pati kulungan ng mga alaga nilang baboy at manok, hik-hik-hik!
***
GALIT noon si Binay kay Marcos, gaya ng mga militante na galit sa mga magnanakaw.
Kunwari lang pala na galit sila sa mga magnanakaw pero sa pera ng magnanakaw ay hindi sila galit!
***
MALAKI ang naging epekto ng Senate probe sa tsansa ni VP Binay sa 2016 presidential elections, bumagsak ang tiwala ng publiko sa kanya, ayon sa Pulse Asia survey.
Ibig sabihin ay marami ang nauntog at nagising sa katotohanan!
***
NOONG 2006 ay napatay sa ambush si Lito Glean, ang dating hepe ng Makati City Business permits and Licensing Office, dating security chief at political ally ni Binay.
Nasawi rin sa ambush sa Albay noong 2012 si dating Makati City Engineer Nelson Morales na taga-kamada raw ng mga kuwarta sa mga “bag” na idine-deliver sa mga Binay.
Nakaligtas naman sa ambush noong Marso 2010 si Gerry Limlingan, senior adviser at campaign manage, bagman at dummy raw ni Binay sa ilang negosyo, pero ngayo’y hindi na matagpuan.
Malakas pala ang appeal sa disgrasya ng mga “trusted “ni VP Binay!
***
NAKORNER ng kompanya ni Limlingan ang P1.3-B kontrata ng janitorial at security services sa Makati City Hall mula 2010 hanggang 2014.
Pumangalawa ito sa Hilmarc’s Construction ng mga Canlas na nakopo ang P3.7-B kontrata ng infra projects sa lungsod.
Hindi nagsisinungaling at namemersonal ang opisyal na datos mula sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS)!
***
SABI ni Sen. Nancy, “zombie case’ daw ang ibinunyag sa Senado ni COA Commissioner Heidi Mendoza na overpriced ng P61-M ang mga kagamitan sa Ospital ng Makati at naibasura na raw ng Sandiganbayan ang graft case laban kay Dra. Elenita noong mayor pa ang kanyang nanay.
Pero pinigil ng Bureau of immigration (BI) na makalabas ng bansa si Dra. Elenita noong Marso 2013 dahil sa hold departure order (HDO) mula sa Sandiganbayan.
Kung gano’n, aktibo pa pala ang kaso!
***
DEMOLITION job at politically motivated ang tawag ng mga militanteng grupo sa imbestigasyon ng Senado sa katiwalian at unexplained wealth ni Binay.
Kung naniniwala sila na sa lehitimong paraan yumaman si Binay, bakit hindi sila mag-rally para saklolohan ito?
Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]
Percy Lapid