AYAW nating magkatotoo ang sasabihin natin ngayon, pero kung magpapakaang-kaang lang ang mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) Raxabago Station (PS1) sa Tondo, Maynila baka sa susunod ‘e C-4 bomb na ang maibagsak d’yan sa estasyon nila.
Mantakin ninyong anim (6) na buwan lang ang pagitan nang huling hagisan ng granada ang nasabing estasyon tapos inulit nitong nakaraang Lunes?!
Ayon kay P/Supt. Virgilio Valdez Viloria, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo, nakasuot ng black helmet ang naghagis ng granadang MK2 bandang 10:15 p.m. na ang napinsala ay ‘yung nakaparadang motorsiklo ni Rumpel Robles at ibang pulis nila.
Noong Abril, maraming sasakyan ang napinsala sa granada inihgais kabilang na ang sasakyan ng dating station commander na si P/Supt. Julius Anonuevo.
Ano ang naging resulta ng imbestigasyon sa unang insidente?
At ngayong ikalawang insidente?!
MALAKING NGANGA!
Kayang-kayang humulagpos ng mga suspek sa kamay ng law enforcers sa area of responsibility (AOR) ng MPD PS-1.
Kaya nga ang tanong, bakit nga ba paboritong tapunan ng granada ang MPD PS1?!
Ano ang mga hulidap ‘este ang dahilan n’yan?
Isang matinding hamon ito kay bagong MPD district director Senior Supt. Rolando Nana…
By the way, isang malaking CONGRATS kay Kernel Nana at sa wakas ay nakopo niya ang directorship ng MPD.
Sandaling nag-OIC sa MPD si Kernel Nana noong lumayas ‘este nalipat si Gen. Genabe.
Sana’y maging maganda ang working relationship n’yo ni Kernel Gilbert Cruz (ang favorite kernel ni Erap). At sana’y matagpas ninyo ang mga bagman ng MPD sa teritoryo n’yo Sir.
Hangad ko po ang tagumpay ng pamumuno n’yo Kernel Nana.
P’wera usog ha!?
Back to issue, busisiin ninyo KERNEL NANA kung bakit ang lakas ng loob ng naghahagis ng granada d’yan.
Gumaganti ba ang mga ‘yan na nahulidap o nabangketa o naeskoba ng ilang pulis-matulis ‘este pulis ng PS-1?
Huwag na ninyong hintayin na mataniman pa ng C-4 ‘yan!
Boom panot!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com