Wednesday , December 25 2024

Mga ‘tanga at gago’ sa paligid ni P-Noy

00 bullseye batuigasKAPAG hindi pinalayas ni Pres. Noynoy Aquino ang santambak na mga “tanga at gago” na nakapaligid sa kanya, tiyak na hindi matatapos ang kanyang six-year term hanggang 2016.

Sa sunod-sunod na kapalpakan sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang mga sangay ng gobyerno, mabilis ang pagbagsak ng popularidad ni P-Noy.

Sakali mang magtagumpay ang Aquino administration na pabagsakin ang popularidad ni Vice Pres. Jejomar Binay, mananalo pa rin siya sa pagkapangulo kung si Interior Sec. Mar Roxas ang ilalaban nila. Si Roxas ay tiyak na tatalunin ni Binay kahit sa aming lalawigan ng Capiz.

Alam ba ninyo, mga mare at pare ko, kung bakit nasabi ko na santambak ang tanga at gago na nakapaligid sa Pangulo? Una, bakit hindi nila alam na ang milyon-milyong salapi na ginagastos sa panggigiba kay P-Noy at sa kanyang pamahalaan ay galing sa illegal gambling, lalo na sa sugal na jueteng?

Ang pinakasikat na gambling lord ng Central Luzon ang pinanggagalingan ng milyones na ibinibigay sa mga raliyista o demonstrador laban sa gobyerno. Sila rin ang nagbibigay ng milyones sa mga mambabatas na kalaban ng Aquino administration.

At sila rin ang nagbibigay ng limpak-limpak na salapi sa mga taga-media para batikusin si P-Noy at mga miyembro ng kanyang Gabinete. May kilala akong taga-media na binibigyan ng jueteng lord ng P100,000 kada linggo para siraan ang PNP at ang iba pang sangay ng gobyerno.

Ang gambling lord ay isa sa pinakadakilang ‘kampon’ ni dating Pres. Gloria Arroyo.

Isa pang pinagmumulan ng budget para gibain ang Aquino administration ang damuhong ‘hari’ na naman ng sugal na jai-alai.

Para sa inyong kaalaman, mga mare at pare ko, tumatabo ng milyones araw-araw ‘yan hindi lamang sa Luzon, kung hindi sa buong Kabisayaan at Mindanao. Sa naturang mga lugar ay mas kilala ang sugal sa tawag na ‘masiao.’ Ang jai-alai ay mapanonood sa dalawang channel ng telebisyon gabi-gabi at mababasa ang resulta sa ilang tabloid araw-araw.

Alam ba ninyo na ipinangangalandakan na ang may-ari ng jai-alai ay pamilya Enrile? Posibleng totoo dahil sa ‘kaharian; ng Enrile sa Cagayan nilalaro ang jai-alai gabi-gabi.

Posible na may katotohanan din ang ipinagyayabang ng hari ng jai-alai na siya raw ang gumastos sa milyones na itinapon ni Jack Enrile nang siya ay tumakbo para senador na natalo naman.

Ngayon ay ipinagyayabang din na siya ang gumagastos sa lahat ng pangangailangan ng nakakulong na si Sen. Juan Ponce-Enrile at kanyang chief of staff na si Gigi Reyes.

Manmanan!

***

KUNG hindi mga tanga at gago ang mga nakapaligid sa Pangulo, bakit nila pinayagan na manatili sa kamay ng mga ‘kampon’ ni Gloria Arroyo ang mga prangkisa ng small-town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?

Alam ng mga gago na nagpapatakbo ng PCSO na 20 hanggang 30 porsyento lamang ng itinataya sa STL ang napupunta sa PCSO. Ang 70 to 80 percent ay napupunta sa jueteng.

Kaya alam na ninyo, mga mare at pare ko, na sadyang mga tanga at gago ang mga damuhong nakapaligid sa ating Pangulo. At kapag minalas-malas si P-Noy, siya ang papalit kay GMA sa kulungan, sakaling matapos man niya ang termino sa 2016.

Abangan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther D.Batuigas

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *