SINASABING tayo ang nagbabayad ng pinakamataas na koryente sa ating rehiyon at ayon sa Enerdata, ang Filipinas ang naniningil ng isa sa pinakamataas ng presyo ng elektrisidad sa Southeast Asia sa halagang 18.2 US cents sa bawat kilowatt-hour (kWh) para sa industrial supply noong 2012.
Ang Pilipinas din ang bukod tanging bansa sa rehiyon na hindi subsidized ng pamahalaan ang mga kompanya ng elektrisidad habang ang generating capacity natin ay 5 beses na mas mababa kaysa Malaysia at Thailand. Hindi lamang ito ang dahilan kung bakit itinataboy ang potensiyal na mga investor, pinahihirapan din nito ang pamumuhay ng bawat Pilipino na nagbabayad na ng mahal ay hindi pa makaaasa sa mahusay na serbisyo sa pagbibi-gay ng elektrisidad.
Ano nga ba ang binabayaran natin sa ating Meralco bill? Napakakomplikado na unawain ito dahil sa napakaraming problema ng ating power sector. Ngunit nais na-ming tumulong. Kasunod nito, ipapaliwa-nag namin ang major charges na bumubuo ng ating Meralco bill para malaman kung saan napupunta ang ating binabayad.
Generation
Ito ang aktuwal na halaga sa pag-produce ng elektrisidad. Minsan, maaaring tumaas hanggang 60 porsyento ng ating bill. Ito ay pass-through charge, na ang kahulugan ay hindi napupunta ang ating ibina-yad sa Meralco kundi sa mga power supplier. Nakukuha ng Meralco ang kanilang power mula sa dalawang source: ang mga generation plant na may katransaksyon na (tulad ng Therma Mobile ng Aboitiz Po-wer), at ang wholesale electricity spot market (WESM).
Ang WESM ay parang stock market, liban para sa elektrisidad, at ito ay pinanga-ngasiwaan ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC). Sa proseso, sinasabi sa PEMC ng Meralco at iba pang mga distributor kung gaanong power ang kaila-ngan nila, at ang PEMC ang nagdedetermina ng rate mula sa lowest bidder, at saka dinidispatsa ang power sa mga transmission company na magde-deliver nito sa mga distributor.
Distribution
Ito ang perang ibinabayad natin na na-pupunta sa Meralco, bilang distribution company. Nahahati ito sa dalawang kategorya:
Metering Charge: ang halaga ng pagbabasa (reading), operasyon at pagmamantine ng power metering facilities at iba pang mga equipment na may kinalaman dito, at maging ang halaga ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng metering service.
Supply Charge: ang halaga ng pagbibigay ng serbisyo sa mga kos-tumer tulad ng billing, koleksyon, customer assistance at iba pang kaugnay na serbisyo.
Kailangang magsumite ang Meralco sa Energy Regulatory Commission para itakda ang kanilang distribution charges, saka nagdedesisyon ang ERC sa Maximum Average Price (MAP) na puwedeng singilin ng Meralco sa mga kostumer nito.
Government Taxes
Local Franchise Tax: ang mga lungsod at munisipyo ang naniningil ng buwis sa mga negosyong nag-e-enjoy ng prangkisa, at ang Meralco ang nagbabayad nito sa mga local government unit (LGU). It ay pass-through charge.
Value Added Tax (VAT): nagbabayad tayo ng VAT sa generation, transmission, systems loss, at distribution charges na sinisingil sa atin ng Meralco.
Transmission: ito rin ay pass-through charge, na napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines, na nagbibigay ng transmission service para mag-deliver ng power mula sa planta sa mga substation ng Meralco sa Maynila.
System Loss: ang mga kakulangan sa power distribution system ay nangangahulugan ng pagkawaldas ng power habang nagmumula sa planta patungo sa ating ta-hanan, kaya naniningil ang Meralco sa mga gumagamit nito ng ‘technical’ system loss. Kasama rin dito ang ‘non-technical’ system loss—ang nawaldas na power sanhi ng pagnanakaw ng ilang tao sa pamamagitan ng pag-bypass ng metro o ilegal na pagta-tap sa sistema. Maaaring umabot ang system loss charges sa maximum na 8.5 porsyento ng ating bill.
Universal Charges: ito ang sinasabing missionary electrification at environmental charges, at inire-remit ito sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM), na may tungkulin para pangasiwan ang mga state-owned power assets ng ating bansa.
Missionary Charges: ito ang pondo ng pagbibigay elektrisidad sa malalayo at masukal na bahagi ng bansa na hindi maabot ng grid, at maging ang mga lugar na hindi konektado sa transmission system.
Environmental Charges: ginagamit ito para sa watershed rehabilitation at management.
Subsidies: ang sumusunod na mga grupo ay tumatanggap ng mga diskuwento mula sa kanilang Meralco bill, na pinondohan ng subsidy na binigay ng lahat ng ibang mga consumer:
Ang mga low-income consumer na gu-magamit ng mababa sa 100 kilowatt-hours kada buwan ay binibigyan ng mga diskuwento ng Meralco, na kung tawagin ay ‘lifeline discount.’
Ang mga residential account na nakarehistro sa mga senior citizen ay maaaring tumanggap ng maximum na 5 porsyentong diskuwento kung gumagamit sila ng mababa sa 100 kWh kada buwan habang ang mga institusyon ng DSWD-accredited senior citizen ay nabibigyan ng 50 porsyentong diskuwento.
Kinalap ni Tracy Cabrera