Tuesday , December 10 2024

Modernization Act of 2013 (RA 10575) sa BuCor ipatupad; RAT PLAN ibasura

00 Bulabugin jerry yap jsyMAKUPAD ang implementasyon ng Republic Act 10575 o Bureau of Corrections (BuCor) Modernization Act kahit aprubado na ito sa dalawang Kapulungan ng Kongreso noong Mayo 24, 2013.

Ang isa sa mga itinuturong dahilan ng maganit na pagpapatupad ay kawalan ng pondo o hindi pag-aapruba sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas.

Sa pagpapatupad ng batas ‘yang paggawa ng IRR ang pinakamahirap sa lahat.

Ang sabi sa batas ay tapusin ang pormulasyon ng IRR sa loob ng 90 araw.

Malinaw na isinasaad ito sa Sec. 23 ng RA 10575: “Implementing Rules and Regulations. The DOJ, in coordination with the BuCor, the CSC, the DBM and the Department of Finance (DoF), shall, within ninety (90) days from the effectivity of this Act, promulgate the rules and regulations necessary to implement the provisions of this Act.”

Noong Mayo 24, 2013 pa naaprubahan ‘yan, e anong petsa na?!

Ilang buwan na lang at matatapos na ang taon 2014 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naipatutupad ang batas para sa modernization ng BuCor.

Malaki ang pangangailangan na maipatupad ang modernization act dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng BuCor. Gaya halimbawa sa sweldo ng mga empleyado rito.

Ang lowest-ranking employee— clerk— ay tumatanggap ng P3,000 monthly salary, habang lowest-ranking— guard— ay P7,000 kada buwan.

Ang budget ng BuCor bawat taon ay P1.4 bilyon kompara sa P4-bilyon budget ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Isang siglo (100) at walong taon na ang BuCor habang ang BJMP ay halos 18 taon lamang .

Ang P1.4 bilyon ay hindi umano sapat sa sweldo ng 2,362 empleyado at disenteng rasyon na pagkain para sa 35,400 inmates, sa pitong penal farms at colonies sa buong bansa.

Malala din ang congestion sa iba’t ibang piitan. Ayon kay Abunales kabilang sa modernization law ang pagtatayo ng tatlo pang pasilidad, isa sa Nueva Ecija, isa sa Lucena City (Quezon) at isa sa Mindanao.

Grabe din ang kakulangan sa equipment gaya ng modern security equipment (surveillance cameras, hand-held radios, firearms at X-ray scanners).

Sa modernization law, ang manpower ay madaragdagan hanggang 6,000 sa loob ng limang taon.

Ang ranggo ng mga custodial guards ay ipapadron sa BJMP with corresponding salary grades.

Ilalaan umano ang P2 bilyon sa loob ng limang taon para i-improve ang equipment and facilities, kabilang ang CCTV at X-ray scanners.

Marami ang matutuwa kung lubusang maipatutupad ang modernization plan na ito kaysa RAT PLAN.

Ano ang RAT PLAN?

Bukas po natin tatalakayin ‘yan.

PAGSIBAK SA APAT NA DISTRICT DIRECTORS DEODORANT NI ROXAS?

NAPIKON na raw si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas kaya tuluyang sinibak ang apat na district director sa Metro Manila.

Tanging itinira ni Secretary Roxas ay si Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Abelardo Villacorta.

Sa pahayag ni Roxas, tinanggap niya ang rekomendasyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dir. Carmelo Valmoria, para sa appointments ng mga sumusunod:

SSupt. Joel D. Pagdilao bagong Quezon City Police District (QCPD) Director; Supt. Rolando Z. Nana bagong District Director ng Manila Police District (MPD); C/Supt. Henry S. Rañola bilang District Director ng Southern Police District (SPD); at C/Supt. Jonathan Ferdinand G. Miano bilang District Director ng Northern Police District (NPD).

Ang reshuffle umano ay bahagi ng intensified campaign for anti-criminality sa NCR. Nitong nakaraang mga buwan, 14 station commanders umano ng 38 police stations sa NCR ang pinalitan.

Well, sana nga ay lumakas ang kampanya laban sa mga criminal.

Isa kasi tayo sa mga mabibigo kung gagamitin lang ‘deodorant’ lamang ni Secretary Roxas ang nasabing reshuffle.

Sa mga bagong talagang district director, sana ay kakitaan kayo ng sambayanan ng seryosong paglupig sa mga pusakal na kriminal at sa iba’t ibang mukha ng kailegalan sa bansa lalo na ang droga.

Magbabantay ang bayan.

‘STAR COMPLEX’ NG MANAGER NI DARREN ESPANTO

HABANG maaga pa ay dapat nang sibakin ng pamilya ni Darren Espanto ang kanyang manager.

Hindi pa man ay lumalaki na ang ulo ng manager ng batang kabilang sa Top 4 Young Artists ng The Voice Kids.

Nitong nakaraang October 5, nag-album launch si Darren sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila.

S’yempre excited ang mga fans nila para bumili ng Album (DVD) at panoorin ang show.

Isa rito ang anak ng staff namin sa Alab ng Mamamahayag (ALAM) na halos tatlong (3) oras naghintay para magpa-autograph ng album at magpa-picture kay Darren.

Aba mantakin ninyong harangin ng kanyang manager at sinabihan ang batang fan na bawal daw magpa-picture?!

Tsk tsk tsk …

Matinding disappointment ang naranasan ng 7-anyos na batang lalaki sa ginawa ng manager ni Darren.

Kung dati ay hinahangaan niya ang kanyang bagong idolo, ngayon daw ay nabawasan na.

Ang bilis naman palang magka-STAR COMPLEX ng manager ni Darren.

Aba ‘e kung ayaw magpa-picture kasama ang kanyan fan, ‘wag na silang mag-imbita sa mga show nila at itago na lang nila si Darren.

Policy ba ‘yan ng ABS CBN?!

Pakisagot na nga!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *