Monday , December 23 2024

Lahat ng pananaw sa Bangsamoro Law pakikinggan ng Senado (Tiniyak ni Senador Marcos)

073114 bangsamoroCOTABATO CITY – Tiniyak ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate committee on local governments, sa stakeholders sa isinagawang unang ‘out-of-town public hearing’ para sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na pakikinggan ng Senado ang lahat ng mga pananaw at rekomendasyon na may kaugnayan at magiging resulta ng detalyadong talakayan hinggil sa makasaysayang panukala.

“We are now getting into the details of this proposed law and we want to make sure that at the end of this process, the committee will be able to report out a measure that would ensure just and lasting peace in Mindanao,” pahayag ni Senador Marcos.

Sinabi ng senador na welcome din sa kanya ang impormasyon mula kay ARMM Assistant Executive Secretary Atty. Rasul Mitmug kaugnay sa pagbubuo ng ARMM-GPH-MILF transition committee upang mabatid ang administrative concerns na idadaing ng mga empleyado ng ARMM, local governments, at iba pang stakeholders.

Ang katulad na mga hinaing ay kinabibilangan ng magiging tulong ng pamahalaan sa mga empleyado ng ARMM na maaaring maapektohan ng transition process, kaugnay sa pagbuwag sa ARMM at paglilipat ng function nito sa Bangsamoro Transition Authority na ang mga miyembro ay itatalaga ng Pangulo.

Sinabi ni Dr. Pearlsia Dans, chairperson ng Regional Executives and Assistant Secretary of ARMM, tinatayang 33,000 ARMM personnel ang nangangamba sa magiging epekto ng pagsasabatas ng panukala sa kanilang trabaho.

Tiniyak ni Atty. Mismug kay Senador Marcos na kabilang ito sa mga paksa na tinalakay ng ARMM-GPH-MILF transition committee.

Hiniling ni Senador Marcos sa ARMM-GPH-MILF transition committee na isumite sa kanyang komite ang resulta ng kanilang mga pagpupulong upang agad makabuo nang malinaw na mga rekomendasyon kung paano mareresolba ang nasabing isyu.

“It is our role to study all of these details so that we can achieve our goal of bringing about lasting peace not only in Mindanao but also for the country,” diin ni Marcos.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *