Matititinding emosyonal na eksena at maaaksyong harapan ang natunghayan ng TV viewers simula noong Lunes para sa finale week ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” na magwawakas na ngayong gabi (Oktubre 10). Ipinakita na sa Thursday episode ng SBAK na si Muerte, o Carlos Syquia ang mastermind at nagmaniobra ng lahat ng kasamaan sa serye at siya rin ang pumaslang sa Daddy Henry (Chinggoy Alonzo) nina Rose Buenavista (Bea Alonzo) at Violet (Mitchelle Vito) at nagpasabog ng kotse na ikinamatay ng abogadong si Emmanuelle Romero (na ginampanan rin ni Bea). Dahil sa pagtatraidor din ng madrastang si Laura Bayle-Buenavista (Dina Bonnevie) ay tinanggal siya ni Rose sa kom-panya. Nakita naman ang unti-unting pagbabago sa karakter ni Sasha Bayle (Maricar Reyes) na kahit ama niya si Carlos ay hindi niya kinampihan. Tumulong pa siya sa half brother na si Sebastian (Francis Mangundayao) at Leo Romero (Albert Martinez) para iligtas si Violet sa kamay ng mga tauhan ni Carlos. Si Violet ang isa sa naging susi para tuluyan nang makulong si Carlos at pagbayaran ang lahat ng mga kasalanan at kasamaang ginawa sa pamilya Buenavista at Gaspar. Samantala may halong lungkot naman at kinakabahan ang TV viewers sa ipinakitang teaser ng teleserye nang nag-dialogue si Rose na marami na ang mga nasaktan at taong nadamay kaya’t hindi na sila pwedeng magsama ng mister na si Patrick Salvador (Paulo Avelino) na naging katuwang niya para malutas ang krimen na nangyari sa ama ni Rose at Emmanuelle. Kung mangyayari ito paano na si Patrick at ang anak na si Martina kanino siya mapupunta? Pero syempre umaasa pa rin ang lahat ng happy ending sa mag-asawa. May eksena rin na nag-uusap sina Rose at Sasha. Ano kaya ang kanilang topic? Tungkol ba ito kay Patrick o humingi lang ng tawad si Sasha sa lahat ng mga kasalanang ginawa kay Rose. Huwag bibitaw dahil may malaking rebelasyon rin sa pagitan nina Patrick at Leo. Ano ang koneksyon ng dalawa? Abangan ang kasagutan mamaya pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ay mula sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” at “Juan dela Cruz.” Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobo-can. I’m sure, super taas ng rating nito gyud!
ni Peter Ledesma