“I, even I, am the Lord, and apart from me there is no savior. I have revealed and saved and proclaimed — I, and not some foreign God among you. You are my witnesses,” declares the Lord, “that I am God.” – Isaiah 43: 11-12
PUMAPALAOT na ang pangalan ni Madame Senador Grace Poe-Llamanzares sa media bilang posibleng presidential candidate.
Inamin mismo ni Marikina 2nd District Representative Romero “Miro” Quimbo na posible maging kandidato ng Liberal Party (LP) si Senador Poe dahil sa walang bahid ito ng korapsyon at may malinis na track record sa public service.
Aba, bakit hindi? Siya yata ang pinakamagalang na Senador ngayon! Ehek!
***
MALINIS ang pagkatao ni Senador Poe, hindi rin matatawaran ang kanyang angking talino at galing bilang mambabatas.
Ito ang kinakailangan sumunod sa yapak ni Pnoy upang maipagpatuloy niya ang kanyang programa “tuwid na daan.”
Takot kasi silang biglang bumaluktot agad!
“PRESUMPTIVE CANDIDATE”
PRESUMPTIVE candidate ang tawag ni Cong. Quimbo kay Sen. Poe, kahit pa may nakalinya ng “manok” ang LP sa katauhan ni DILG Secretary Mar Roxas, hindi pa rin nakatitiyak na siya ang magiging pambato ni Pnoy sa 2016.
Para sa inyong lingkod, kuwalipikado si Sen. Poe na maging Pangulo ng bansa, ang malaking katanungan lamang ay sino ang kanyang magiging katambal? Puwede raw ba si dating Senador Kiko Pangilinan?
Dios Mio, Poe-Ki tandem!
***
KIDDING aside mga kabarangay, malayo pa naman ang May 2016 presidential election, marami pa ang puwedeng mangyari sa mga susunod na araw, buwan o taon.
Ang dating sinasabing nangunguna sa mga survey ay puwedeng mabaligtad at mangulelat. Iba ang pulso ng publiko ngayon, sawa na sila sa mga korap, gusto naman nila ngayon ay mangarap.
Na mawala na sana ang mga korap sa gobyerno! Amen!
ISANG INSPIRASYON SI DONDON LANUZA SA MGA OFW
NABANGGIT natin kahapon sa ating kolum sa Police Files Tonite si Rodelio “Dondon” Lanuza ang dating OFW na may 13 taong nakulong at nakalinyang bitayin noon sa Saudi Arabia dahil sa pagkakapaslang sa isang Saudi national.
Balik normal na ngayon ang buhay ni Dondon, isa siyang arkitekto, ibinaon na lamang niya sa limot ang mapait na karanasan noon sa piitan.
Iisa lang ang kinakapitan ni Dondon ang pananalig sa Panginoong Hesus!
***
MAGANDA ang ganitong pananaw sa buhay mga kabarangay. Marami kasing OFWs natin na umuwi dito ay nasadlak lamang sa masaklap na pamumuhay. Nagbebenta ng aliw, nagnanakaw na lamang at kung minsan ay nagpapatiwakal pa, dahil hindi matanggap na mawalan ng hanapbuhay matapos umuwi ng bansa.
Gayahin sana ng mga dating OFWs si Dondon, halos 13-taon siyang nasa piitan at ang matinding trauma na inabot niya matapos mahatulan ng kamatayan na parang wala ng pag-asa pa.
Pero bumangon muli!
***
ANG positibong pananaw ni Dondon sa buhay ang nagbigay muli sa kanya ng lakas at pag-asa upang ibalik muli ang dangal at pagkatao na nawala sa kanya dahil sa masaklap na kaso.
Nang makapanayam ito ng inyong lingkod noong nakaraang taon 2013, nakita ko na may mga pangarap pa siyang dapat tuparin lalo na sa kanyang pamilya.
Because, there is life after the ‘aborted death sentence!’
NARITO ang mga text at emal messages na ipinadala sa inyong lingkod na nais iparating sa mga kinauukulan:
DAGDAG NA INSENTIBO
SA MGA GURO
tama kayo chairman santos, dapat pahalagahan ang mga guro sa ating bansa, kaya dapat lang na ibigay sa kanila ang dag2 na insentibo at mataas na sahod, ipanawagan nyo po sna sa ating mga mambabatas, salamat po! —Mrs Alcantara ng Pritil, Tundo.
AMBULANSYA NG MAYNILA NAKATAMBAK LANG?
Mam chairman bakit yung dinonate po na ambulansya kay erap tinambak lang sa Lawton? Di manlang magamit kahit sana pantawid sa mga naiistranded sa city hall pag baha – email of Jeremiah Inocencio
SNATCHER SA RECTO-AVENIDA, PAGING MPD
Chairwoman, andami pa rin po nagkalat na snacther sa Recto at Avenida, hindi kaya alaga cla ng mga parak, bakit hindi maubos-ubos ang mga salot na ito? —Juan ng Tondo
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos