Wednesday , December 25 2024

Kaharian din kung ituring ng iilan ang VFP

00 Abot Sipat ArielTULAD ng Makati City na ba-gamat itinuturing na sentrong pi-nansiyal ng bansa at tahanan ng mga edukadong mamamayan pero pinaghaharian lamang ng Dinastiyang Binay, naging “kaharian” rin ng iilang namumunini at nakikinabang ang Veterans Federation of the Philippines (VFP) sa loob ng 30 taon.

Hindi kataka-takang nang kumilos si Department of National Defense Secretary Voltaire T. Gazmin upang magkaroon ng mga konsultas-yon para magkaroon ng bagong constitution and by-laws (CBL) ay maraming pumalag sa pamunuan ng VFP na matagal hinawakan ni ret. Col. Emmanuel De Ocampo.

Nagsimula ang mga konsultasyon noong 2010 dahil sa ulat ng Commission on Audit (COA) na maraming anomalya sa pamamahala ng De Ocampo group sa VFP. Isa lamang sa natuklasan ng COA ang pagbili ng mga gamot noong 2009 at 2010 na nagkakahalagang P55.738 milyon na lumabag sa mode of procurement na nakasaad sa Republic Act 9184.

Marami pang natuklasan ang COA kaya sinampahan na ng kasong Plunder ng grupong Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBC) sa ilalim ni National Commander Rafael Evangelista ang grupo ni De Ocampo sa Office of the Ombudsman.

Pangunahin ding sinuportahan ni Evangelista ang bagong CBL sa paniniwalang ito ang tatapos sa mga anomalya sa VFP. Kabilang sa mga grupong dumalo sa mga pagdinig at konsultasyong kaugnay ng bagong CBL ang Cavalier Association of Veterans, Inc.; KAMPILAN Peace-keepers Association, Inc.; Alliance for the Amelioration of Veterans and Former Policemen and Reservists, Inc; at ang mismong VPF na pawang nagbigay ng komento at inputs sa mga deliberasyon.

Nang lagdaan ni Sec. Gazmin ang bagong CBL noong Hunyo 25, 2013, kakatwa at katawa-tawang ang unang pumalag ay ang VFP. Kinuwestiyon din ng nagpakilalang Media Relations Officer ng VFP na si Luzviminda C. Marasigan ang karakter ni Evangelista.

Sa liham ni Marasigan sa isang tabloid (hindi sa Hataw), iginiit niya: “Pinabubulaanan po namin ang report na ‘Reporma ni Gazmin sa VFP, suportado ng mga beterano’ dahil si G. Rafael Evangelista ay hindi nagging aktibong miyembro ng VFP dahil hindi siya isang BETERANO. Ang Gazmin CBL ay tinututulan ng mga beterano na kasapi ng VFP at nagkaroon ng Convention noong Mayo 16-17, 2014, na ginanap sa Taguig City, upang ipahayag nila ang kanilang pagtutol at ito ay dokumentado na dinaluhan ng opisyales at sama-han ng VFP sa buong Pilipinas.”

Sa pagsuporta sa “political will” ni Sec. Gazmin na ipatupad ang bagong CBL ay simple lang ang naging tugon ni Evangelista: “I am a son of a veteran of World War II. I have never claimed to be a veteran. While I am not a veteran, Republic Act 3518, the law that created the Veterans Federation of the Philippines (VFP) grants veteran status to descendants of veterans, with all the rights and privileges appurtenant to the veterans under the law. It is on this legal basis that I am the National Commander of the Defenders of Bataan and Corregidor, one of the 17 original Charter Members of the VFP under R.A. 3518.”

Ariel Dim Borlongan

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *