WALA tayong masabi sa napaka-state-of-the-art na hacienda (all-in-one) ni Vice President Jejomar Binay o ng Pamilya Binay.
E talaga namang dinaig ng mga Binay ang iba pang bigtime na politiko at mga Taipan.
Ito po, silipin natin ang P1.2-billion hacienda ng pamilya Binay sa Rosario, Batangas.
Mayroong one two-storey mansion with a resort pool and pavilion; isang air-conditioned piggery na ipinagawa ni Dr. Elenita, dati rin Makati mayor, para raw hindi mangamoy at huwag langawin ang “mansion.”
Makikita rin sa hacienda ang farm ng imported na orchids; horse ranch; garden maze na ginaya sa Kew Gardens sa London; four-car garage and staff house; dalawang manmade lagoons; guesthouse; aviary; fighting cock farm with breeding and practice areas; at iba’t ibang estruktura para sa pamilya Binay.
What the fact!?
Nag-umpisa lang umano sa 1,000-square meter lot sa Barangay Maligaya kapalit ng legal fees noong abogado pa siya hanggang unti-unti raw mabuo sa apat na barangay ang kabuuan ng hacienda.
Maikokompara umano ang laki nito na halos kalahati ng San Juan o apat na Luneta Park o sampung Araneta Center.
Nakalululang kayamanan.
Kumbaga, hindi na lamang si dating First Lady Imelda Marcos ang pwedeng bansagang ‘Imeldefic.’
Ultimo si Dra. Elenita Binay pala ay maikakategorya na rin bilang Imeldefic dahil d’yan sa ipinatayo niyang air-conditioned piggery.
Sabi nga ni dating Vice Mayor Ernesto Mercado, “Alam ko po iyan kasi ako ang tagapaghatid ng feeds at ako rin ay katulong diyan (I know because I used to deliver the feeds and I also helped out there).”
Ngayong unti-unti nang naglalabasan ang mga kayamanan ng pamilya Binay, huwag tayong magtaka kung mayroon pang susunod.
Pero ang ipinagtataka natin habang naglalabasan ito, e bigla namang naging tuloy-tuloy ang pamimigay ng titulo/pabahay ni VP Binay sa mahihirap nating kababayan.
Aba ‘e tanggapin ninyo at huwag pong kalilimutan na ‘yan ay hindi sa sariling bulsa niya galing kundi sa pera ng bayan!
Huwag na po kayong paloloko at palilito!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com