ISANG Joy Rodriguez umano ang paboritong ‘dummy’ ng mga ‘gambling lord’ ngayon d’yan sa south Metro Manila lalo na area of responsibility (AOR) ni Mayor Edwin Olivarez — ang Parañaque City.
Napakabilis daw kasing napalalawak ni Joy ang operation ng jueteng ni Bolok Santos.
Mabilis na nailatag at mabilis din ang ROI as in return of investments.
Sabi nga, wala raw talo ang JUETENG ni JOY sa Parañaque City.
Kung noong administraston ni dating Mayor Jun Bernabe ay guerrilla ang jueteng operation, si Joy Jueteng, ay iba na ngayon.
Wala nang tatalo sa kanya ngayon kung jueteng ang pag-uusapan! In short, full blast na talaga!
Kahit itanong pa raw sa bagman ni Parañaque PNP COP Kernel Ariel Andrade!?
Nag-umpisa na nakalatag sa Brgy. SAN DIONISIO, isang napakalaking barangay sa siyudad ni Mayor Edwin Olivarez.
Dahil sa magandang performance ni Joy sa larangan ng Jueteng, tumawid na ngayon sa ibang siyudad sa South Metro Manila ang jueteng ops n’ya dahil ginamit siyang front ni jueteng lord Bolok Santos.
By the way, Mayor Edwin Olivarez, totoo bang hindi bababa sa P100 libo kada araw ang kobransa ni Joy Rodriguez d’yan sa siyudad ninyo?!
Palagay ko naman ay ramdam n’yo na ngayon kung paano nakikinabang si alias TATANG ROLLY at DYO-DYO sa P100 libo kobransa kada araw sa jueteng na ‘yan?
Ipinagmamalaki kasi ni Joy Rodriguez, Mayor Olivarez na haping-hapi raw ang mga bagman sa mga hatag niya …
Totoo ba ‘yan idol Mayor Edwin?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com